Chapter 5
Fetch
"Bakit may black-eye 'yong juice?" tanong ni Jax kay Theo.
Agad ko tuloy naibaba iyong binabasa kong libro dahil sa bunganga ni Jax na napakalakas.
"Bakit?" si Theo naman.
"Kasi nasa pack," sagot ni Jax tapos panay naman ang tawa ni Theo roon!
"Kids," si Grant habang napapailing.
"Ito namang si Lolo Grant!" pang-aasar pa ni Theo.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa kanila. Parang mga tanga talaga! Paano ako makakapag-focus kung ganyan?
Iba't-iba ang ugali naming mga tiga Star Sapphire Class. Si Jax at Theo ang pareho, maiingay at sobrang kukulit! Si Jax na panay ang biro at si Theo na panay naman ang kanta! Si Grant naman ay masungit at gusto laging mapag-isa. Wala rin siyang masyadong kinakausap sa amin. Si Cat ay ganoon din, tahimik. Pero pag dinadaldal namin siya ay nakikisakay naman. She's matured and very modest. Si Cali naman, she's the it girl of the class. She's very sweet, innocent, and super conyo!
At si Angelo Darius naman ang pinaka malapit sa akin dahil kami lagi ang magkasama lalo na sa pag ba-bar! Siya ang walwal buddy ko!
Most of my time in the academy, I spent it studying inside the greenhouse or in the library with my friends. At sa oras na mag-isa ako ay iginugugol ko rin sa pag-aaral o minsan, paghahanap ng pogi.
Nag-aadvance study ako dahil gusto ko rin makasagot sa brain exercises para sa dagdag na puntos. I don't want to be separated with my friends by the next semester. I want to stay with Star Sapphire Class.
Nerdy sa umaga, lasenggy sa gabi. Iyon ang naging motto ko.
"Finally, finals na rin!" I screamed while dancing with Gelo at a bar. "Sana mataas ang scores nating lahat!"
Napapadalas na ang pag-babar naming dalawa!
"Nakikita mo iyong pogi na iyon?" I asked Gelo while pointing to a handsome stranger drinking on a couch.
"Oh?" aniya sabay tumaas ang kilay.
"Akin iyon!" sabi ko tapos ay rumampa na papunta roon sa lalaki.
I'm wearing a black fitted dress and my favorite YSL heels. I feel really sexy kaya naman nasa mood akong manlandi ngayon.
"Five minutes walang malisya?" I asked.
The guy looked at me from head to toe pero mas nagtagal iyon sa legs ko. "Kahit isang oras pa," he said and stood up to snatch my waist.
Sobrang bilis ng pangyayari. The next thing I know, nakapulupot na ako sa kanya at naghahalikan na kaming dalawa.
He was a lousy kisser kaya agad akong na-bore. Bumalik na lang ako sa dance floor at hinanap si Angelo. Nakipag-momol na rin ba iyon?
Hinanap ko pa si Gelo pero nakita ko siyang nakaupo na roon sa table namin at tila malalim ang iniisip. Anong problema no'n? Parang nasa lamay!
"Uy, okay ka lang? May problema ba?" sabi ko at tumabi sa kanya.
I poured one shot of Bacardi in my glass at mabilis iyong ininom.
"Wala... Sumasakit na ang ulo ko," aniya at ngumiti. "Alak pa, shuta!"
Natawa ako roon pero kahit ako ay nahihilo na rin. Dumodoble na iyong paningin ko kaya dahan-dahan akong humiga sa mga binti ni Gelo. Basag na ako.
"Ang sakit rin ng ulo ko! Ayoko na uminom!" I shouted because the music was very loud.
![](https://img.wattpad.com/cover/271690339-288-k648825.jpg)
BINABASA MO ANG
Gamble On You
Romance(Sapphire Boys Series #1) Xuri Ocampo only wants to have fun and make out with no strings attached. But when she feels a romantic tension between her and her gay best friend, Gelo, this is where the confusion starts. Lalo na at ayaw naman nitong um...