Chapter 8

887 51 693
                                    

Chapter 8

Tux

It went on that way. Pag bumibisita si Chance, sumasama kaming dalawa ni Gelo. We're also helping Cali to keep up on her studies.

Habang nagmemeryenda, napatigil na lang kami ni Gelo pareho nang tanungin kami ni Calixta.

"H-How about Jax? Is he doing good?" She asked.

Agad akong napatingin kay Gelo at ganoon din siya sa akin.

"I'm just curious..." Segunda pa nito.

I bit my lips. I didn't know what to say to her. Ang daming mga nangyari. Jaxith's mom, the headmistress, was also in the same hospital. Her health deteriorated so fast. Iba na ang headmistress sa Sapphire Academy and Jax was barely coping up. Tuwing tinitignan ko siya, pawala ng pawala ang kulay sa mga mata niya. Nalulungkot kami bilang kaibigan ng dalawa.

"He's still the Top 1," I simply said.

I couldn't tell her the truth. I won't. Not when she was sick.

Isang beses ay hindi nakasama si Gelo sa amin kaya naman kaming dalawa lang ni Chance ang bumisita kay Cali. She was already asleep no'ng umalis kami.

We were told that Cali and her family will go to the US for a second opinion. Baka isa o dalawang taon sila manatili roon para magpagaling.

"Hey, don't be sad. We'll do video calls. Saglit lang 'yon and she'd be back before we know it," Chance cheered me up.

Naglalakad na kaming dalawa papunta sa parking.

I slowly nodded. "I just hated how her condition robbed her of her time. Pag balik niya, she'd be what, 3rd or 4th year? Imagine."

Cali has a bright, bright future ahead of her. Ang unfair lang. She doesn't deserve to be sick. Fuck heart disease!

"I know... But I'll take anything basta gumaling siya."

Napatingin ako sa kanya. May weird na naman na kumikirot sa tiyan ko? Na-touch siguro ako? "You really like her, 'no? I'm actually proud of you."

Tumingin din siya sa akin na parang nagtataka sa sinasabi ko.

"I stan a patient and persevering man," sabi ko at pumalakpak pa. "3ps! Let's go!"

"Huh? 2ps lang 'yon?"

"The other p is pathetic!" sabi ko at binilisan pa ang lakad.

"Dedma sa basher!" Si Chance na mabilis ding nakahabol sa akin.

"I'm not a basher! I'm just a number one JaxLi shipper!" I crossed my arms.

I wouldn't deny that I really like Jax for Cali. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa dalawa, wala rin akong karapatang manghimasok.

"And a GrantLi enjoyer too..." Dagdag ko pa at sa pagkakataong ito ay tumakbo na.

"Oy! Foul!" aniya sabay habol. "Napaka foul! Sabunan mo bunganga mo!"

Every weekend was hard for me. Kasi ibig sabihin, kailangan umuwi. Ayaw kong umuwi sa bahay.

I took a deep breath before I entered the mansion. Dire-diretso lang ako at focus sa goal na makaakyat sa kuwarto ko nang walang nakakakita. Paakyat na ako sa hagdan nang marinig ang boses ng ama.

"Xuri, you're right in time. Your sister and I are about to have our dinner. Let's go," anito.

I bit my lips. "I'm not hungry."

"Ngayon ka na lang umuwi... Join us at least."

"I said I'm not hungry. Mahirap ba 'yon intindihin?" I said and held my bag tighter. "It's hard enough for me to look at you, dad. Tapos ngayon gusto mo pang sabayan kita kumain?!"

Dali-dali na akong umakyat. Tinawagan ko agad ang matalik na kaibigan pagtapos magbihis para gumaan ang pakiramdam.

"I'm home, Ge," bungad ko.

"Same old?" Gelo asked. He was on his bed also while holding his laptop onto his lap.

"Same old," sagot ko naman. "Same old?"

Natawa siya. "Same old."

Pareho kasi kaming ayaw umuwi palagi. Every week namin iyong dilemma since time immemorial!

"Ano, tara? BGC?" Aya ko agad.

"Gagi ka," aniya. "'Di ako puwede, may lakad kami bukas. Sinasama ako ng daddy sa investors party. Ako lang naman ang maisasama niya dahil bawal ang Kuya Andy at si Niel."

Tumang-tango ako. "Eh, ba't ang haba ng mukha mo? Kasi baka boring ang party?"

"That's the least of my worries, teh."

Halos isang taon na kami magkaibigan pero mahiwaga pa rin sa akin na may mga pagkakataon na boses lalaki siya. Tapos pag naging aware siya, biglang lumalambot sa dulo. Kung baliw ako, iisipin ko talagang nagpapanggap lang siyang bakla!

"What are you worrying about, then?" Ngayon ay humiga na ako dahil nangalay. I just tilted my laptop.

"My father wants me to bring a date," he said and rolled his eyes.

Natawa ako. "Eh, di magdala ka!"

"Siraulo ka ba?" He opened his favorite snack... Snapea in pink, by the away. "Gusto mong maging palaboy ako ng wala sa oras?"

"Eh, di ako. Ako ang dalhin mo!"

Napatigil siya sa pagkain at tila napaisip sa suhestiyon ko. "Oo nga, 'no? Gagi ang talino mo riyan."

"Wala, eh. Star Sapphire Class, eh..." sabi ko pa at pareho kaming natawa.

I was already preparing my outfit for the party when I got several messages from my father. Na may party raw na kailangan attend-an ang pamilya. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil may party na akong a-attend-an!

It was a formal one, black and silver ang theme. I wore a silver long gown full of rhinestones. It hugged my curves really well. And the full slit that showed my leg was the main event.

I went for a slicked-back straight hair and quite a daring make-up to match the look.

To: Gelo

Almost near

Iyon ang text ko sa kanya. Pababa na kasi ako at mag-mi-meet kami sa may lobby.

To: Gelo

Lobby na me. Saan u?

Wala pa siyang reply sa akin. Sabi niya kanina ay nandito na siya? Nasa-CR kaya at nag-re-retouch?

To: Gelo

Kaya today, teh?

Tagaaal hulas na ang eagirl

Binalik ko ang phone sa dalang pouch bag at tumingin tingin sa paligid. Nasaan na kaya siya?

"Ge!" I called when I saw his back.

Gelo quickly turned around and everything suddenly went slowmo. Tangina, wait? Bakit may pa-slowmo?!

Angelo Darius Tan, wearing a tux, with his hair pushed back, looking dashing with those brown twinkling eyes and set of perfect white teeth will be my cause of death.

Dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa akin na para bang handa niya akong sagipin sa lahat ng bagay.

"Para ka namang nakakita ng tite?" Bungad niya na siyang bumasag sa lahat ng mga nangyayari.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Ang pogi mo, gago."

Hindi ko maalis ang aking titig sa kaibigan.

This, this man in front of me, looked like someone I met before. But definitely not the Gelo a.k.a my gay best friend.

"Ang ganda mo rin, baka ma-fall ako niyan," aniya at tinitigan ako. Agad din niya itong binawi. "Char!"

Gamble On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon