CHAPTER 6

5.6K 102 2
                                    

I was busy with the rice. Nakita ko ang pagdating ng mga ulam. I even saw a girl, I think she's older than me, carrying one of the dish. Hindi nakalampas sakin ang matatalim niyang titig. What the hell is her problem? Inano ko 'to? Kung makatingin akala mo nagawan ko ng masama. I don't even know her. She's not a helper in the Mansion.

I was shocked when she aggressively get the serving spoon in my hand. Oww. May mga bitch din pala sa probinsiya.

"I can give it to you." komento ko. I'm not really in the mood to bitch around but this woman is getting into my nerves.

"Usog!" Napausog ako dahil sa pagbangga niya sa bewang ko. Binuhos niya ang ulam sa ibabaw ng kanin kaya nagtalsikan ang sabaw ng ulam. I hissed. Sinapo ko ang kamay kong natalsikan at ang mukha ko. Damn this girl! What's her problem, really?

"Watch your move!" iritadong sabi ko. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil nasaktan ako sa talsik ng sabaw. Napatingin samin ang mga nasa malapit lang at kuryusong tiningnan kaming dalawa.

"What's happening here?" Levi's cold baritone voice came to my aid. Bumaba ang tingin niya sa kamay na sapo ko. Mainit ang sabaw. Mukhang kahahaon lang nun mula sa pinaglutuan kaya mahapdi sa balat. He gently held my chin and examine my face. He wipes my face with his thumb.

"What happened?" he asked me but the bitch answered.

"Pinapalayo ko na muna pero makulit siya, Levi! Natalsikan tuloy ng sabaw." her voice is angelic na hindi mo aakalain na nagsisinungaling. I didn't try defending myself. Kung iisipin talagang mabuti ni Levi ay matatanto niya ang totoong nangyare.

"I'm not asking you, Angela." malamig na sabi ni Levi. I want to smirk but stopped myself. Baka siya pa ang paniwalaan ni Levi kapag nakita niyang ngumisi ako.

"Answer me." he gently urges me. Tumingin ako sakanya. Sa kabila ng malalamig niyang mga mata ay nakitaan ko 'yun ng totoong pag-aalala.

"She's aggressive. Hinablot niya lang sakin ang serving spoon. Pinausog niya ko but bumped me eventually. She pour the dish kaya natalsikan ako." pagkwento ko.

"Mahapdi?" tanong niya. I just nod my head.

"Glenda, can you get the cream in my car?" utos niya. Nakita kong patakbong tinungo nung Glenda ang kotse ni Levi. Tita Lara talks to Angela. Narinig ko pang pinapagalitan niya ito.

"Tho, she's a bit aggressive, I think it's still an accident. I should move more para hindi ako natalsikan." I said while looking at him. Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi pa makapaniwalang aksidente ang tingin ko sa nangyare.

"Why are you unbelievably nice? What's in your mind?" nagdududang sabi niya. Ngumuso ako. Duda naman 'to agad. Hindi ba pwedeng nagtime out muna ako sa mga kabulastugan ko?

"She should have said that she'll pour the dish, so you would move backward." I nodded. He got a point. I won't argue on that.

"I think the girl likes you." I said and pout. Wala akong ibang makitang rason kung bakit niya 'yon gagawin kung hindi dahil sa pagkakagusto niya kay Levi. At kita naman sa mga mata niyang humahanga siya sa lalaking nasa tabi ko ngayon.

"You're talking nonsense." he said. Marahan niyang hinahaplos ang mukha at ang kamay ko nung dumating na 'yung Glenda kaya nilagyan niya na ng cream 'yung namumulang balat ko.

"How about my face? Marami ba?" I worriedly asked. Puhunan ko ang mukha ko kaya hindi pwedeng masira.

"You're still beautiful." ngumuso ako. "I know that but still doesn't answer my question." mayabang na sabi ko. He stifle a smile.

"Not much."

Tita Lara worriedly came to my aid. Habang si Levi naman ay nakita kong pinagsasabihan 'yung Angela. Nakayuko lang ang babae habang tinatanggap ang mga salitang sinasabi ni Levi. I saw her wiped her tears. Poor girl. Well, she deserves that at some point.

All for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon