CHAPTER 21

4.9K 76 1
                                    

I just texted Allysa that I am going to Masbate. Hindi ko pa nasasabi sakanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Lavin. I told her if Tita Alena would asked about my whereabouts sabihin niya na may inaasikaso akong importante.

"Wala si Savin sa bahay, Sabrina!" may panic sa boses ni Allysa ng tawagan ako. Nasa airport na kami nang tumawag siya.

"She's with me. Isasama ko na muna para makabawi naman ako sakanya." sabi ko. Narinig ko ang kaginhawaan sa pinakawalan niyang buntong-hininga.

"Baka makita siya nung ex-fiancee mo." she worriedly said after.

"He's in Masbate?" I asked. Hindi paba siya nakakabalik ng Manila? Ang tagal niya naman ata sakanila. Malawak naman ata ang Masbate para magkita-kita kami. But he's Lavin's cousin.

"Hindi naman daw nagpaparamdam sa opisina sabi ni Mommy. Maybe he's there." my heart flutters with the thought that he's still in Masbate but sank when reality hits me.

"Tell me if he's there, okay? I'll tell you everything when I'm back." I said and ended the call.

Hindi din nagtagal ay tinawag na ang flight namin kaya nagboard na kami.

"Thank you." bulong ni Lavin. I just gave him a weak smile. Napag-usapan na namin na hindi agad kami magpapakasal. We will give our daughter a complete family but we will not rush things. I will get to know him first. Ipapakilala niya kami sa pamilya niya for formality at nasabihan niya na ang mga ito nung unang pagkikita palang nila ni Savin na may anak na siya. Gusto niya lang daw na pormal kaming ipakilala. Nabanggit niyang excited daw ang pamilya niya sa pagdating namin.

"I cannot wait to see their reaction." he said na hindi ko nalang pinansin.

A limousine is waiting for us outside the airport. Tulog si Savin sa bisig ng ama. Siguro dahil na rin sa pagod. Pamilyar ang daang tinatahak namin kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan. Maybe, same way, pampalubag loob na sabi ko sa sarili.

My heart skip a beat when we entered a very familiar gate. I look at Lavin and he just smiled at me.

"Bahay to ng mga Esquivel!" I said panicking.

"I am an Esquivel, Sabrina." I know that he is indeed an Esquivel but he should have told me that the family we are meeting is Levi's!

"Lavin!" I called him when he stormed out of the car with my daughter. Nagising ang anak ko dahil sa lakas ng boses ko. Dumadagundong na ang kaba sa buong pagkatao ko ng magsimulang maglakad si Lavin habang buhat ang anak ko na parang hindi ako narinig. Fuck!

"Where are we, Daddy?" antok na tanong ng anak ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

"Nandito tayo sa bahay na kinalakihan ko, Sweetheart." and he didn't even tell me! Dammit! I glared at him when he looked at me. Alam niyang fiancee ko dati si Levi and he didn't bother to tell me that he grew up here? Na hindi lang dahil pinsan siya ni Levi kundi dahil sakanila mismo siya lumaki!

"Let's go. Kanina pa naghihintay ang pamilya ko." sabi niya na parang hindi man lang napapansin na hindi na ako mapakali at kinakakain na ng kaba!Hinintay niya ako dahil pilit ko pang pinapakalma ang sarili ko. Bakit hindi ko naisip na possible ang bagay na 'to? I am not ready to face them with another man. Nanginginig na ako sa kaba pero pilit kong sumabay sa mga hakbang ni Lavin.

The same line up of maid made me feel like it's a Deja Vu. Mangha ang anak ko habang nakatingin sa mga katulong na nakahilera. Nanatili akong nakayuko nang tumigil kami sa harapan, the same place where the Esquivel couple welcomed me. Nakita ko na binaba ni Lavin si Savin kaya humawak sakin ang anak ko.

"Tita, Tito, my daughter and my fiancee." mariin kong ipinikit ang mga mata ko. I slowly lifted my head and saw Tita Lara and Tito Victorious shocked with our presence. I didn't bother looking at the man besides his father. Hindi ko kayang makita ang reaksiyon niya. Ramdam ko ang mabibigat niyang titig sa akin.

All for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon