CHAPTER 24

4.9K 87 10
                                    

"Lavin, bata 'yun! She'll be distracted by simple things! Kahit pa balak nung puntahan ako, kapag may nakita 'yung interesante, titigil 'yun!" I frustratingly said. He was about to touch me but I chose to turn my back at him. Wala na akong oras para pakinggan pa ang mga sasabihin niya. We need to look for her. We need to see her.

"Hanapin nalang natin." sabi ko at nagsimula ng maglakad-lakad para hanapin si Savin. My heart is pounding so damn loud. Naiiyak na ako dahil hindi ko makita ang anak ko. Humiwalay ako kay Lavin. Narinig kong nagpatulong siya sa mga tauhan ng mga Esquivel para mapabilis ang paghahanap.

I am already teary when I heard my daughter's sweet voice.

"I want to live here." I heard her said. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses.

"Your Mom wants to live in the City." I almost teared up when I saw Levi and Gavi. Nakaupo si Savin sa kandungan ni Levi habang si Levi naman ay nakaupo sa lupa at nakatingin sa dagat.

"Because she grew up there." sabi ng anak ko na para bang naiintindihan na ang mga bagay-bagay.

"Because you were there." marahang sabi ni Levi.

"But I want to live here. I'll convince Daddy. He grew up here. He can tell Mommy how good this place is." sumikip ang dibdib ko sa nakikita at mga naririnig.

"You think he can convince her? Hindi ko nga nakumbinsi ang Mommy mong manatili dito." mapait na sabi ni Levi. Kunot ang noong lumingon ang anak ko kay Levi. Nagtago ako sa puno ng niyog para hindi makita ni Savin at para marinig pa ang mga sasabihin nila.

"You're not that good po." inosenteng sabi ng anak ko habang nakatingala kay Levi.

"No. It's because she'll choose you." he said.
"You're right, your Dad can convince your Momma to stay here. She wants you to be happy and she'll say yes once your Dad convince her." a deafening silence came after. Sumilip ako at halos madurog ang puso ko nang makitang pinupunasan ng anak ko ang mukha ni Levi.

"Men don't cry." mas lalong umalog ang balikat ni Levi dahil sa sinabi ng anak ko.

"Can you call me... Papa?" pinigilan ko ang sariling maiyak. It's so painful to watch him this way. Nadudurog ang puso ko sa mga sinabi niya.

"I already have a Daddy po." sabi ng anak ko. Kita ko ang pagtango ni Levi.

"Yah." he said and hugged my daughter after.

"Papa." I put my hands on my mouth to stop myself from sobbing. Humilig ako sa puno at tahimik na umiyak.

"Baka hinahanap kana nila. Your Mom will freak out." I heard Levi's soft voice.

"I'm okay naman po. And you're still teary. They'll tease you if they see you crying." narinig ko ang mahinang pagtawa ni Levi. Inayos ko ang sarili bago ako lumabas mula sa pagkakahilig sa puno.

Marahan akong naglakad palapit sakanila. Mahina ang naging pagtawag ko kay Savin. Nakuha kong pareho ang atensiyon nila. I look at him but he looks away. Tipid akong ngumiti sa anak ko bago naglakad palapit sakanya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumayo na din si Levi.

Marahan kong hinawakan ang kamay nig anak ko pero hindi niya binitawan ang isang kamay ni Levi. Hinayaan kong maglakad kami ng nakahawak kami pareho ni Levi sa magkabilang kamay ng anak ko. It's picture perfect. We look like a family. Dammit! Why am I suddenly wishing that Levi's the Father of my daughter? Na imposible namang mangyare.

Tahimik kaming naglakad hanggang sa matanaw namin ang natigilang si Lavin ng makita kaming tatlo. Kita ko ang pagbaba ng paningin niya sa mga kamay ni Savin na hawak namin ni Levi.

"Daddy." tawag ni Savin sa ama at sabay kaming binitawan ni Levi at tumakbo papunta kay Lavin. Nakinig lang ako sa mga sinabi ni Lavin sa anak. Kung hindi pa ako inaya ni Savin ay baka manatili lang ako sa tabi ni Levi.

All for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon