CHAPTER 1

547 3 0
                                    

Sa kaharian ng Azodia may isang Prinsesa natatangi ang ganda. Lahat ay hinahangaan siya sa kanyang kabaitan at kasipagan. Kahit siya ay prinsesa nakikisalamuha siya sa kanilang nasasakupan,nakikipag kaibigan sa anak ng kanilang taga pagsilbi. Lagi siya tumutulong sa.mga gawain sa palasyo . Kaya gustong gusto siya ng mga tao.

Siya ay si Prinsesa Chloe Sheen Petty anak ni Haring Nicholas Petty at Reyna Ayesha Petty.

At dahil dyan marami din naiinggit sakanya . Sa nalalapit na kaarawan ng prinsesa, may mga masasamang tao na nais paslangin siya. Mga taong naghahangad na mapasakanila ang mapayapang kaharian ng Azodia.

May urakulo na bumisita sa kaharian .

"Magandang araw mahal na hari,mahal na reyna.! ". Urakulo

"Magandang araw naman sayo urakulo. " haring Nicholas.

Ano ang iyong sadya?

"May pangitain po ako tungkol sa prinsesa ". Urakulo.

"Anong pangitain ang iyong nakita sa aming anak? Mabuti pa sabihin muna at ako'y kinakabahan ." Reyna Ayesha.

"Kamahalan may masamang mangyayari sa prinsesa sa kanyang kaarawan. May sasalakay sa kaharian. Mabuti pa po ay wag na ninyo ituloy ang kasiyahan sa kaarawan ng prinsesa. At minumungkahi ko po sa inyo na ilayo na ang prinsesa sa palasyo bago sumapit ang kanyang kaarawan. Para hindi mapahamak ang inyong taga pag mana. "Urakulo.

"Mahal ko ayoko mahiwalay sa ating anak ."reyna Ayesha.

"Pero mahal ko nanganganib ang buhay ng ating anak. Kahit ako ayoko mawalay sakanya lalo may at nag iisa natin siyang anak. "Haring Nicholas.

"Saan naman natin siya pwede itago? " reyna Ayesha

"Sanay naman siya pamumuhay katulad ng mga nasasakupan natin, alam natin kaya niya makisalamuha sa iba. Palagay ko kaya niya mamuhay na wala tayo. Ipapadala ko siya sa kaharian ng kanyang nakatakdang mapangasawa. Pero.dapat walang makaalam nito, para sakanyang kaligtasan."Haring Nicholas.

"Kahit ang kanyang mapapangasawa? "Reyna Ayesha.

"Oo mahal ko, mamumuhay siya dun bilang ordinaryong tao. At ang kanilang kapalaran nalang ang magtatakda sa kanilang pagkikita."haring Nicholas.

"Kamahalan ako po ay aalis na. "Urakulo.

"Maraming salamat at sa iyong babala urakulo, salamat at nabalaan mo agad kami. "Haring Nicholas

"Tungkolin ko po yun kamahalan, ayoko may mangyaring masama sa mahal na prinsesa. "Urakulo.

"Halika na mahal kakausapin natin si Chloe. "Reyna Ayesha.

"Mahal na prinsesa tingnan niyo po !ang damit nasusuotin para sa iyong kaarawan. Hindi po napaganda? "Lope ang yaya ni prinsesa Chloe.

"Oo nga po ang ganda talaga Nay Lope. Sa tingin po ninyo magugustohan ito ng aking mapangasawa, pag nagharap kami? "Chloe.

"Sa ganda po ninyo sigurado matutulala yun! At pag nakilala na po kayo sigurado hindi siya magsisi na ikaw nakatakda niyang pakasalan. "Lope

"Sana nga po. Pero baka po may nagugustohan na siyang iba? "Chloe.

"Sa bait po ninyo hindi po siya mag dalawang isip sa inyo! "Lope.

"Nay Lope gwapo din po ba ang prinsipe na mapapangasawa ko? Matapang din ba siya katulad ni ama?

"Oo naman prinsesa. Kailangan talaga mga prinsipe matapang at responsable para maipagtanggol ang kanilang nasasakupan at kanyang pamilaya. "Lope.

Habang abala sa pag aayos at kwentuhan si Chloe at Lope. Kumatok ang kanyang magulang sa kanyang silid.

Tok .... tok... tok...

Anak pwede ba kami pumasok? Anak nais ka namin makausap ng iyong Ama.

"Tuloy po kayo Ina." Chloe.

"Anak may sasabihin kami ng iyong Ama. Kaya makinig kang mabuti. "Ayesha .

Opo.. "

"Anak hindi na matutuloy ang handaan para sa iyong kaarawan. May urakulong pumunta dito kanina at nagbigay ng babala. May mangyayari daw na hindi maganda sa iyong kaarawan." Ayesha.

"Ayos lang Ina, pero inaalala ko lang po ang mga dadalo galing sa iba't ibang kaharian nakakahiya po sa kanila. "Ayesha.

"Anak ako na bahala dun nagpadala na ako ng liham sakanila. Ang isipin mo ang iyong kaligtasan. "Nicholas.

Anak at kailangan mo rin lisanin ang kaharian para hindi ka makita ng mga kalaban dito.

"Pero Ama, Ina. Paano po kayo? Ayoko po mahiwalay sa inyo. "Chloe.

"Patawad anak pero hindi kami pwede sumama ng iyong Ina kailangan kami sa palasyo. "

"Saan po ako pupunta? Sino po makakasama ko? "Chloe.

"Makakasama mo ang iyong Nay Lope. Sa paninirahan sa syudad ng Sinag . Malapit sa palasyo ng Almanya. "Haring Nicholas.

"Almanya? Parang narinig ko na yun."bulong niya sa sarili.".Chloe

"Sige anak lalabas na kami. Para makapag impaki ka na. Aalis kana bukas na bukas din. "Haring Nicholas.

Ang prinsesa at ang kanyang prinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon