CHAPTER 14

839 2 0
                                    

TUNGKOL SA NAKARAAN**

Masayang silang kumakain at nagkukwentuhan. Hanggang sa na Kwento ni Zoe ang tungkol sa nakaraan ng kanilang ninuno. Tungkol sa digmaan at kababalaghan  .

--Zoe POV--
Alam niyo ba noong unang panahon may mga sirena ,diwata at mga mangkukulam. Ang mangkukulam ay mga Babaylan sila dati. Tinawag lang silang mangkukulam kasi naging masama sila at kinukulam nila lahat ng kagalit nila . Natututo kasi silang mangkulam simula nung may masamang mangkukulam dumayo sa lugar na ito.
Nakalimutan nila na babaylan sila.

Kaya tinutugis sila ng taong bayan, gusto silang patayin dahil sa kasamaan. Pero bigla nalang silang naglaho, at yung iba naman napatay nila. Hindi nagustuhan ng dating hari ang ginawa ng mamayan. Kasi kahit masama sila ay tao parin sila. Ang pinagkaiba lang nila may kakayahan sila na hindi kayang gawin ng iba. Kaya yung iba namang nahuli pinaalis niya sa lugar na to.

Pagkalipas ng dalawang taon... May mga dayuhan na dumating at ninais sakupin ang kaharian. Maraming namatay na sundalo at mga bata  matanda, babae at lalaki . May mga serina na lumitaw galing sa dagat at tinulungan ang mga sundalo na nakikipaglaban sa mga dayuhan. Sinira ng mga serina ang barko na sinasakyan ng mga dayuhan..
Para sakaling tumakas sila wala silang masasakyan. Tumagal ng tatlong araw ang digmaan. Saka nila natalo ang mga dayuhan. Marami rin mga inosente ang namatay. Sabi nila naririnig sila na sumigaw, umiiyak at ramdam nila ang paghihirap ng mga kaluluwang hindi matahimik at hindi matanggap na nawala sila at sumapit karumaldumal na pagkamatay.

"nakakilabot naman yun?!. Nakakatulog kaya sila pag naririnig  yun?? --tanong ni Chloe

Syempre hindi. Kasi may nagpapakita pa daw noon sakanila. Ilang taon nila tiniis yun. Buti nalang may paring dumadayo sa kung saang lugar. Para magpalaganap ng salita ng diyos . kaya sobrang pasalamat nila noong na bendisyonan yung buong lugar. Natahimik silang lahat.

Masaya rin nagtutulungan ang mga Serina at tao. Maraming isdang nahuhuli ang mga mangingisda.  Pero hindi rin nagtagal yun. May mga tao talaga na hindi marunong makontinto, sakim, ganid.  Mahigpit na pinagbabawal ng mga Serina ang pangingisda sa gabi. Kasi natutulog din sila ayaw nila nabubulabog.

Meron pangkat ng mangingisda na nanghuli ng isda .ang masama pa meron silang pampasabog. Para mabilis makahuli ng isda. Ikanagalit yun mga serina.  Sa lahat ng Ayaw nila yung niloloko. At sinusuway  ang mga batas nila.

" magaganda ba ang mga serina Zoe? "--tanong ni Mark

Sabi ng lolo ko noon, napakaganda daw ng mga serina at magaganda ang boses. Pero ang tinig nila ay nakakaakit. Isa sa kapangyarihan nila ang maganda nilang tinig pag narinig mo yung, kaya ka nila pasunodin sa kung ano man ang nais nila.

" ako gusto ko maging serina para lahat ng magustuhan ko, susunod sakin pag kumanta ako. "--humagihik na sabi ni Lira

"naku ikaw talaga napakalandi mo? "--Raine.

"anong pakialam mo? "--Lira

" tama na yan! Hayaan mo sila Zoe ipagpatuloy mo nalang yung Kwento mo. "--Chloe..

Diba? Nagalit na yung mga serina. Wala ng mahuli na isda. Nagalit naman ang tao na yun.  Kaya naghiganti sila, binantayan nilang makatulog ang mga serina sa batuhan at saka hinuli.  Kinulong nila yung mga serina na nahuli nila sa parang kubo dito.  Dito lang Malapit sa lawa na ito.

" talaga? Bakit hindi ko alam ang Kwento na yan? "--usisa ni prinsipe Stephen

Kamahalan....  Ah este Stephen pala,  kasi ayaw na noon mgkwento ng mga tao sumumpa sila na hindi nila ipagsasabi. Baka malaman ng taga ibang kaharian at mag ka interes pa sila. At baka muli na naman maulit ang digmaan. 

Ang prinsesa at ang kanyang prinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon