CHAPTER 19

48 0 0
                                    

Handa na sila tumungo sa Azodia. Nakahanda na rin ang kanilang mga gagamitin.
Nagpaalam na si haring Minandro at Stephen kay Andrea.
Anak, mag iingat ka ha? Huwag kang pasaway dito. "-bilin nito.

Kuya, mamimis po kita ingat kayo ni ama doon ha? Saka sabihin mo sakin if maganda yung mapapangasawa mo hehe. "--nakangiting sabi ni Andrea

Oo salamat, sige mag ingat ka dito ha? "-Stephen

Opo kuya, "--Andrea

Sige, aalis na kami Andrea. "--paalam ni Stephen.
At umalis na sila Minandro at Stephen kasama ang mga magiting nilang kawal.

°°°°°°°AZODIA°°°

Hindi mapakali si haring Nicholas sa pagkawala ng kanyang asawa at anak. kaya naman hindi na siya nag dalawang isip na humihingi ng tulong sa kaibigan niyang si haring Minandro.

"kamahalan dumating na po si haring Minandro at ang kanyang anak si prinsipe Stephen. " sabi ng kanyang kawal .

Maraming salamat ,patuluyin muna sila dito . " opo kamahalan ." at umalis na ito.

Nakita ni Emanuel na parating na yung kawal na pumunta kay haring Nicholas. sumenyas lang ito ayos na pwede na sila pumasok. Kaya naman pumasok na sila sa loob . " kamahalan na nandito na po kami ."pag paalam niya.

Mabuti naman nakarating kayo ng ligtas mahal kong kaibigan ." nagagalak at sabay niyakap niya ang kanyang kaibigan .
"Nagagalak akong makita kang muli aking kaibigan ." masiglang bati ni haring Minandro kay haring Nicholas.
" ito nga pala aking panganay na anak ko ,si Stephen." pakilala ni Minandro sa kanyang anak, at nagbigay galang naman si Stephen sa haring Nicholas.

"handa po kaming tumulong sa inyo kamahalan." Stephen.

"maraming salamat kung ganun. tatanawin ko na malaking utang na loob ito sa inyo." Haring Nicholas.

"walang anuman yun aking kaibigan , sino paba ang magtutulungan eh tayo tayo din at isa pa magiging pamilya na tayo pag nakasal na ang mga bata."paliwanag ni haring Minandro. At bigla naman tumikhim si Stephen. Gusto niya kasi itanong kay haring Nicholas kung anong itsura ng kanyang anak kaso nahihiya siya kaya nagpaalam siya sa dalawang hari na maglilibot muna . Pero sa isip nito ay nais lang niya makita ang larawan ng prinsesa.

At sa paglilibot nito napapad siya sa isang silid . Isang magandang silid at halata itong babae ang may ari nito. Hindi niya maiintindihan ang kanyang sarili kung bakit parang nais humakbang ng mga paa niya papasok sa silid. Pero syempre sinunod niya ang kanyang isip at pumasok nga ito . Masyado siyang namangha sa mga kagamitan sa loob ng silid.

"mas malaki lang ito ng konti sa silid ni Andrea." bulong niya sa kanyang sarili. Nagulat siya sakanyang nakitang litrato. Nagtataka siya kung bakit may litrato si Chloe dito .

"hindi kaya ang prinsesa at si Chloe ay iisa? "gulat na sambit ni Stephen.

"o anak nandito ka lang pala , kanina kapa namin hinahanap." haring Minandro.

Samantala parang lutang parin si Stephen sa nalaman niya. Agad naman itong napansin ni haring Nicholas. " Stephen ayos ka lang ba? namumutla ka ." nag-aalalang tanong ni haring Nicholas sakanya.

"anak niyo po si Chloe?

"Oo . Kilala muna pala ang anak ko."natutuwang sagot ni Nicholas. "pero teka paano mo nakilala ang anak ko? " tanong ulit niya sa binata.

Na kwento naman ni Stephen ang una nilang pagkikita . At na kwento na rin niya biglang pag kawala nito. Kaya nag desisyon na sila bukas na bukas ay hahanapin na nila ang prinsesa at ang reyna Ayesha. Malakas ang kutob ng dalawang hari na isa lang ang may pakana ng pagkawala ng dalawa.

Tahimik lang sa isang tabi ang binata na tila may malalim na inisip . Samantala ang dalawang hari nag paplano na ng kanilang pweding gawin para mailigtas ang prinsesa at reyna.








NOTE: SORRY PO SA MATAGAL NA PAGHIHINTAY . NAG KA PROBLEM LANG NG KONTI.

KAYA PASENSYA NA PO ULIT. : )









Ang prinsesa at ang kanyang prinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon