MGA BAGONG KAKILALA
Masaya at naging maayos ang Kaarawan ng prinsesa.
Mga bagong kaklase .. **
Justine POV
Darating ngayon ang dalawa kung pinsan si Gabrielle at Brix. Matagal ko din hindi nakita mga pinsan ko.
Magandang lalaki din mga yun. Nasa dugo naman diba? Galing silang Europa. Doon kasi sila nanirahan dun din sila pinanganak. Kahit dun sila nakatira marunong sila ng salita natin."talaga ?ibig sabihin nun dito na sila mag aaral? "--Emmanuel
Oo. At ipakilala natin sila sa mga kaibigan natin. Kaso may problema.
"ano naman yun? ---Emmanuel
Baka mamaya maging karibal pa natin sila. At alam muna. Mawalan tayo ng tagahanga .
"naku Justine, tiwala lang .makisig naman tayo, matipuno At higit sa lahat magandang lalaki naman. "-- Emmanuel
Bahala ka nga diyan! Nakakainis. Teka.,bakit ba ako naiinis. Makakain na nga nagugutom naku eh. Emman kain tayo.
"buti pa nga, baka gutom lang yan nararamdaman mo hahaha. "--Emmanuel
Iwan ko sayo. Oo nga pala napansin mo ba nung Kaarawan ni Chloe ay dikit ng dikit si prinsipe Stephen.
"Tama ka napansin ko ri yun. Mukhang may napupusuan na ang ating prinsipe. At bagay pa sila ni Chloe. "--pag sang ayon ni Emmanuel
Tulungan natin sila magkalapit.
***
CHLOE POV
Niyaya ako ni Stephen ngayon mamasyal daw kami kasama mga kaibigan namin. At si Justine naman may isasama daw siya na mga pinsan niya . Naghahanda kami ngayon ng pagkain naming dadalhin kasi mag piknik din kami . Kasama ko ngayon mga kaibigan kung babae.
Sis Nay Lupe kasi pinatawag siya ni Ama. Siguro magtatanong yun tungkol sa naganap kung Kaarawan.Naging maayos naman at masaya kasi kahit wala magulang ko nandito at kompleto ang mga kaibigan ko.
" ayos na siguro ito Chloe. Ilagay na natin sa lagayan para. Maligpit na natin at makaalis na tayo. "---Sheena
O sige. Raine pakikuha nalang ng tubig. At baka makalimutan natin yan.
"ito na po. Tara na baka kanina pa tayo inaantay nang mga yun. "--Raine
O wala naba tayong naiwan? Tanong ko tapos tumango lang sila. Kaya umalis na kami. Naglalakad lang kami papunta sa lugar na kung saan merong lawa doon.Mga labing limang minuto rin ang tinagal ng paglalakad namin. Pero mawawala ang pagod mo pag nakita muna ang lawa. Malinis, tahimik maraming puno at bulaklak. Masarap din ang simoy ng hangin.
Nilapag namin ang aming dala at naglatag ng banig .inaayos nila Audrey ang pagkain. Sila Zoe at Raine si Sheena ang pinagdiskitahan. Ayun pantal ang balat, paano naman kasi naghahampasan sila at maghahabulan . Diba hindi naman halata na isip bata sila? Haha
Itong mga lalaki nagsisimula na mamingwit. At yung isa dyan panay ang sulyap sakin.,Nahiya tuloy ako.ang tagal naman ni Justine saan na kaya yun." ayan na pala sila Justine! Tili ni Raine
Sa wakas dumating rin. Nasa kanya pa naman nakatoka ang prutas. At kasama niya dalawa niyang pinsan.
Pero teka! May napansin ako itong si Zoe at Raine kumikislap ang mata ng makita ang dalawang pinsan ni Justine.
Aba! Mga loka nakalimutan ata nila na ang kinahumalingan nila ay si Justine at si guro Guevara .
Ayaw matinag mga to.kaya tinanong ko nalang si Justine.
Justine ipakilala mo naman kami sa gwapo a este sa mga pinsan mo .ayan tuloy pati ako nahawa. Hehe"Chloe ito pala si Gabrielle at Brix pinsan ko. Matamlay na pakilala ni Justine
At isa isa na rin kami nagpakilala sa dalawa.
"ako si Gabrielle Dave Perez, at ito naman si Brix Isaac Perez kapatid ko. "--pakilala niya.
Kamusta kayo? Sana maging magkaibigan tayong lahat. Dagdag pa ni Brix."syempre naman magiging magkaibigan tayong lahat. "--singit ni Raine
Mukhang kinikilig pa sila ni Zoe. Hay naku. Pero sa totoo lang ang gwapo naman talaga kasi ng mga ito.
Kawawa naman itong Justine Bakas sa mukha niya nagsisi na isinama niya itong dalawa. At lumapit nadin sila Mark at Stephen. At nagpakilala nadin. Pero ang sama ng titig nila sa dalawang pinsan ni Justine. Ano problema ng mga ito. At nagulat naman ako bigla nung sumigaw si Sheena." hala tingnan niyo dumating ang mga impakta! "--Sheena
Oo nga bakit sila nandito, nalaman niya kaya nandito tayo? "--sabi ni Audrey
" at may kasamang pang Adonis grabi nadagdagan ang dalawang adonis natin na kakilala pa lang. "--Raine
Diba ang haliparot nila, araw ba ng mga magagandang lalaki ngayon?
Dumadami yata sila . Ang sarap naman titigan ng mga ito. Lalo tuloy gumanda ang lawa."kumusta kayo? Pwede ba makisali kami? Kung ayos lang pinasyal ko lang itong pinsan ko. Kaya pumunta kami dito. "--Lira
Ayaw namin! Baka mamaya maghahasik kapa ng lagim. naiinis na sabi ni Raine.
Siniko ko nalang si Raine. Hayaan muna Raine nandito na yan eh.
"pero Chloe sigurado aawayin na naman tayo niyan. Sabi ni Raine.
Hayaan mo pag nagmaldita naman ihagis natin sa lawa. Hhahaa"ito nga pala pinsan ko si Paul Jake Navajo. "--Lira
Kaya nagpakilala na rin lahat. Kumusta? ako si Chloe Sheen petty.
Tapos hinalikan niya kamay ko. Pero bago paman dumampi ang halik niya sa kamay ko ay hinila ako ni Stephen ." halika kana Chloe tulungan muna ako. Tapos tikman mo yung inihaw ko na isda. "nakangiti na sabi ni Stephen
Bakit mo naman ako hinila? Tanong ko sakanya . Nakakahiya naman dun sa tao.
" alam mo kaibigan kita kaya ayoko lumapit ka dun. Ang lagkit ng tingin sayo eh "--- Stephen
Parang hindi naman. Mukha naman siyang mabait at magalang.
Tingnan mo tinutulungan niya pa sila Mark ."naku pakitang tao lang yan. Halika ka nga dito kain ka nalang baka matauhan ka. "--Stephen
Alam mo hindi kita maintindihan. Bakit kaba naasar sakanya. Wala namang ginagawang masama yung tao.
" basta, makinig ka sakin wag kang didikit dun. Kung pwede iwasan mo. "--Stephen
Siguro nagseselos ka? Kung sabagay mala adonis ang dating. Kamukha niya yung Hari ng Persia.
" ano? Bakit naman ako magseselos mas d hamak naman magandang lalaki ako dyan. Kung ang sabi mo mala adonis siya, pwes ako Adonis. "--Stephen
Yabang mo talaga. Oo na ikaw na ang Adonis. Sabi ko kay Stephen, pero totoo naman ang sinabi mas lamang siya dun sa tatlo naming bisita. Tapos tiningnan ko sila Zoe aliw na aliw sila habang kausap sila Gabrielle.
"Mukhang napipilitan ka lang yata! Pero Chloe paano mo nalaman na kamukha niya ang hari ng Persia? Nakita mo na ba? "--tanong ni Stephen
Opps. Nadulas ata ako..
Ah eh.. Bumisita kasi yun sa kaharian. Oo tama sa kaharian kung san kami ng galing ni Ina." ganun ba? Halika kana kumain na tayo. Dito ka lang ha? Tatawagin ko muna sila ! "--Stephen
O sige, at lumakad na si Stephen papunta sa kinaroonan nila Justine. Muntik na ako dun. Buti hindi na siya nagtanong pa.
Sana kamukha nalang ni Stephen ang prinsipe nakatakda sakin.
Alam niyo limang buwan na kaming magkakilala ni Stephen, pero parang wala man akong nakilala na kasintahan niya .Siguro wala pa siyang kasintahan. Pero hindi eh sigurado ako na pumipila ang ang tagahanga nito.