CHLOE POV.
Maaga ako gumising ,para marami akong magawa . Nakita ko si Nay Lope naghahanda ng agahan namin.
"Chloe gising kana pala. Umupo kana at kakain na tayo,."Lope.
Chloe? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Bulong ko sa aking sarili
"Prinsesa pasensya kana kung tinawag kita sa pangalan lang. Yan kasi ibinilin ng iyong Ama. Para walang makakaalam na prinsesa ka. Nag papanggap lang tayo mag ina dito, kaya kailangan kita tawagin ganun.. ipag paumanhin niyo po kamahalan. "Lope
Ayos lang yun Nay Lope. Naiintindihan ko po. Kaya masanay na tayo.
"Pagkatapos mo dyan ay magbihis kana at pupunta tayo sa pamilihan. "Lope
.
.opo!
Nay tapos na ako tara na po..
O siya tara na. "Lope
Maganda pala dito hindi magkalayo ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa amin. Si Nay Lope abalang abala sa pamimili ng tela at sinulid. Para sakanyang pananahi. Mananahi din si Nay Lope. Sa katunayan isa siya sa mga gumagawa ng damit ko. Tuwing kaarawan ko siya ang gumagawa ng damit na isusuot ko.Pero hindi niya sinasabi saakin.
Isang araw hinanap ko siya Noon ,ng nakita ko andun siya sa isang silid patahi-an ng mga damit sa palasyo.
Nakita ko siya may ginagawang magandang damit. .umalis na ako noon at hindi na inabala. pagsapit nung kaarawan ko may ibinigay siyang damit Yun yung damit na nakita kong ginagawa niya ..sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya kasi tuwing kaarawan ko pala siya gumagawa ng damit ko.
Ayaw naman niyang sabihin sakin na siya gumagawa. Pero halata naman ,pag nakikita niyang gustong gusto ko yung damit naluluha siya.
"Chloe wala ka bang bibilhin? "Lope.
Wala naman po.
"O siya tapos na ako nabili ko na lahat ng kailangan sa bahay at sa pagnanahi. "Lope