CHAPTER 21

43 0 0
                                    

〰〰〰〰

Nakabalik na ng kaharian ng Azodia sila Chloe at Stephen kasama ang dalawang hari at magigiting na kawal nila.
Masaya silang sinalubong ng kanilang mga nasasakupan.

Naghanda ng isang salo-salo para sa pagkaligtas sa prinsesa at reyna. Habang abala ang lahat sa paghahanda . Masinsinan namang nag uusap ang dalawang hari.
"Nicholas kailangan mong paghandaan ito, huwag kang pakampanti sa pagkat kilala natin si Esmeralda. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya" . nag aalang payo ni haring Minandro.

" naisip ko na rin yun, Kaya magdadagdag ako ng maraming kawal na magbabantay sa aking mag-Ina. Hindi ako papayag na maghasik na naman ng kasamaan ang babaeng yun." Sagot ni Haring Nicholas.

Samantala ang prinsesa at prinsipe ay masayang nag uusap. Mukhang hindi pa sila makapaniwala na sila pala ay may matagal ng ugnayan,kahit na hindi pa sila naisilang. Siguro lahat naman ng tao may nakalaan para sa isa't isa at makasama mo sa habang buhay. Pero minsan masaklap talaga ang kapalaran,minsan naghahangad ka ng hindi para sa iyo. Kaya ka nakakagawa ng masama para lang masunod ang nais mo.
Pero hanggang kailan ang pag nanais na iyon? Hanggang sa ikaw ang mapahamak o marami kang mapapahamak?

"Stephen? Nakausap mo ba sila zoey?" tanong niya.
"Noong bago kami tumungo dito nakausap ko sila nag aalala sila sayo mahal na prinsesa."
"Pasensiya na napag alala ko kayo, pero maraming salamat sa pag ligtas niyo sakin. Pag balik ko sa inyo aaminin ko na sakanila ang katotohanan. Ayoko na maglihim sa mga kaibigan natin.

" Mabuti naman kung ganun,matutuwa  sila pag nalaman nila na ikaw pala ang prinsesa ng Azodia."

Masaya ang prinsesa at nakabalik na siya sa kaharian nila. Binabalak niya na papuntahin ang mga kaibigan nila sa palasyo. Pero hindi talaga maiwasan na mag-alala sila kasi alam nila na hindi titigil si Esmeralda sa mga ginagawa nila.
Pero sabi nga nila kahit kailanman ay hindi nanaig ang kasamaan sa kabutihan.

Kaya bukas na bukas din kahit hindi pa lumiliwanag ay aalis na sila. Sila na mismo ang sususgod para tapusin na ang dapat tapusin. Na dapat noon pa nila ginawa. At sana matapos na rin ito para mawala na ang kanilang pangamba para sa kanilang kaligtasan at pati na rin sa kanilang nasasakupan.

Abala ang lahat para sa gagawing paglusob nila sa kastilyo ni Esmeralda.
"Ama , sigurado po kayo sa gagawin niyo?
Tanong ni Chloe sa ama.
    "Sigurado ako anak ayoko ng hintaying mapahamak kayo ulit bago pa kumilos."

"Mag iingat po kayo ama,mahal na mahal ka namin ni Ina . Kaya po mangako kayo saakin babalik po kayo ng buhay."sabay yakap sa kanyang ama.
Niyakap nalang din ng hari ang anak. Samantala may nakatingin naman sakanila si Stephen. Lumapit ito sa mag ama gusto niya kasing makausap si Chloe bago sila umalis. Nais niyang magtapat ng kanyang nararamdaman para sa prinsesa bago sila umalis.
"Kamahalan po pwede ko bang makausap ang inyong anak?"
Ngumiti lang ang hari at tumango tanda ng kanyang pag payag. Sumama naman si Chloe kay Stephen.

"Chloe, may nais akong ipagtapat saiyo."sabi nito sa prinsesa. Nagtataka naman ang prinsesa pero hindi nalang niya ito pinahalata. "Anong ipagtatapat mo stephen?tanong niya dito.

"Sa simula pa lang kahit hindi ko pa nakikita ang prinsesa ng Azodia, wala na talaga akong balak sumunod sa kasunduan na pag iisang dibdib sakanya. Kasi naisip ko bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko pa nakikilala at lalong lalo na hindi ko naman siya iniibig. Lagi akong tumatakas sa palasyo pag pinipilit ni ama sakin iyon. Kaya nung nakita kita sabi ko sa sarili ko ikaw ang babaeng gusto ko makasama. Kaya kinaibigan kita para mapalapit sayo. Gusto nga kita ipakilala kay ama ,gusto kung sabihin sakanya na ikaw ang babae na gusto ko makasama. Pag nangyari yun,baka hindi na nila ipipilit ang kasunduan. Hanggang sa nabalitaan kung nawawala ka.
Pakiramdam ko sasabog ako ,kung saang handa na ako ipakilala kay ama at magtapat sayo. Saka pa nangyari ito hindi ko alam ang gagawin ko. "
Huminga muli ng malalim ang  prinsipe bago magsalita ulit.

"Nawawala daw ang prinsesa kaya kailangan ko sumama kay ama. Para tumulong sa paghahanap. At hindi ko rin alam saan ka hahanapin. "Hinawakan niya ang kamay ni Chloe.

Pero mabait ang panginoon,dumating ako rito nalaman ko na ikaw at ang prinsesa ay iisa. Nawala ang pangamba ko na hindi ko mahanap si Chloe. Kasi kayo ay iisa, mahal na prinsesa gusto ko lang malaman mo na iniibig kita."
Wala namang nasabi si Chloe sa pinagtapat ni Stephen. Nakatingin lang siya sa prinsipe dahil hindi niya alam ang isasagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang prinsesa at ang kanyang prinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon