CHAPTER 7

99 2 0
                                    

Makalipas ang isang linggo masaya lagi nag kukwentuhan ang magkaibigan. Masaya sila ngayon kasi pasukan na kinabukasan.

"Handa ka na ba bukas Chloe? '.tanong ni Raine.

"Oo naman! Nakuha ko na yung sapatos na pinagawa ko at ginawan pa ako ni Ina ng bagong damit. "Masiglang sagot ni Chloe..

Talaga? Pero alam mo kami ni Raine bago din ang damit at sapatos tuwing pasukan." pagmalaking sabi ni Zoe

"Alam mo ba Chloe tuwang tuwa yan pag pasukan kasi makikita na niya siiii... .putol na kwento ni Raine kasi tinakpan ni Zoe ang bibig niya. "

"Pssst.. tumigil ka nga dyan. Kung ano ano sinasabi mo kay Chloe. Chloe wala yun madaldal lang talaga yan, wag muna pansin." Paliwanag ni Zoe

. Asus? Para ka ngang binagsakan ng langit pag walang pasok kasi hindi mo makikita siii... hindi na naman natapos ni Raine ang sasabihin kasi muli na nman siyang pinigilan ni Zoe..

Pag hindi kapa tumigil dyan gigilitan kita sa leeg.. "!bulong ni Zoe kay Raine

"Sino ba yun Zoe?.. Nagtatakang tanong ni Chloe

"Ah mga kaklase lang namin Chloe '.pagsisinungaling ni Zoe.

"Ganun ba? . Naguguluhang sagot ni Chloe.

"Mga bata magsitulog na kayo at may pasok pa kayo bukas sa eskwelahan. "Sabi ni ginang Annalyn ina ni Zoe.

Opo. Sagot ni Zoe

. Uuwi na din kami po kami.

Sabay na nag paalam si Raine at Chloe.

.

.

.

.

Naka higa na si Chloe pero hindi parin makatulog dahil namimis niya magulang niya .

"Kumusta na kaya sila? Tanong niya sa sarili

Nag pasya nalang siya na magsulat ng liham para sa magulang.

Mahal kung Ina,Ama.
Kumusta na po kayo. Ako dito maayos naman po kaya wag po kayo mag alala. Ina, Ama nais ko na po kayo makikita. Ama huwag mong pabayaan si Ina lagi niyo po alagaan ang isa't isa. Meron po akong bagong kaibigan .at papasok na din po ako sa paaralan Ina. Sana po kasama ko kayo Ina, Ama.
Mahal na mahal ko po kayo.

Ps. Sana po magkaroon naku ng kapatid.

Nagmamahal,
CHLOE


Kinabukasan...

Anak kumain kana at daanan ka dito nila Zoe. "Sabi ni Lope sa alaga.

Opo Nay!

"Tao po? Chloe? Tapos kana ba aalis na tayo., "tawag ni Raine

Halika kayo .tumuloy kayo ,hindi pa ako tapos kumain eh, maaga pa naman . Reklamo ni Chloe

Eh kasi itong si Zoe nagmamadali iwan ko ba dito. Sagot ni Raine

Parang ikaw hindi ah? Atat na atat ka nga makita si Justine mo. Panuksong sabi ni Zoe kay Raine

.

At sino naman si Justine ha Zoe? Tanong ni Chloe

"Basta makikilala mo sila mamaya kasama na rin iba naming kaibigan. Masayang sinagot ni Zoe.

Ang prinsesa at ang kanyang prinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon