Chapter 3

14 5 0
                                    

Hindi naman niya siguro ako sasabayan sa pag lalakad kapag nasa hallway na ako ng classroom ‘di ba? Hindi naman niya siguro ako pupuntahan sa classroom ‘di ba?

 
Jack! Bakit ngayon ka pa nagkasakit.
 
 



2 hours ago.

 
Riiiiinnggg~

 
“Bakit Jack?”


“Princess di ako makakapasok pasabi nalang sa mga teachers natin.”

“Gago! Bakit! Bakit!”

“Nilalagnat ako, nag basketball kasi ako pag kagaling ko senyo kahapon, eh biglang umulan, pag kauwi ko nilamig ako maligo kaya dumeretcho na ako sa pag tulog. Tapos pag kagising ko nilalagnat na ako.”
 

“Gago, sa dami ng araw na magkakasakit ka ngayon pa. Sino nang kasabay ko pumasok?!”
“Wow. Nakakatouch, talagang gusto mo akong kasama sa lahat ng oras.”
 

“Gago, hindi kasi ganun. Kasi ano. Ano kasi, kahapon kasi—”

 
“*cough *cough” “Sorry Princess, next time nalang ang sakit na ng ulo ko.”

 
“Haysss. Sige, may kasama ka naman diyan?”

“Wala pero konting tulog lang ayos na ko.”
“bye”

*beeep
 

*End of Flashback

 
Tinawagan ko si Kuya Ren at sinabing may sakit si Jack, siya kasi ang medyo maluwag ang schedule ngayong araw sa school, baka makakasaglit siya kina Jack. Kawawa naman ‘yung gago. Kahit ganoon ‘yun, masyado pa siyang bata para mamatay.
 

Ngayon. Sarili ko naman ang i-lolook out ko. Magiging okay naman siguro ako kahit wala si Jack di ba?
 

Halos patingin tingin ako sa paligid habang papalapit ako sa building namin. Hindi ko akalain na sa last year ko dito sa school na ito, ay ngayon pa ako nag hehesitate pumasok. Naka hoodie jacket ako as usual, at ngayon nalaman ko na ang use ng hoodie.
 
 

 Para magtago.


 
Noong nasa harapan na ako ng building ay mas lalong tinalasan ko ang pakiramdam ko at paningin. Sa tingin ko naman ay malalaman ko kung siya ‘yun o hindi.
 

Halos tinitingnan ko ng palihim yung mga babaeng na lalampasan at nakikita ko. At, wala namang weird sa kanila.
 

Nakarating nako sa 3rd floor ng building. Base sa text niya mag ka floor kami kaya siguro dito ko na siya mapapansin. Palinga linga-linga lang ako, nag babakasakaling matyempuhan kong nakatitig siya sa akin.
 

Malapit na ako sa classroom ko at tingin ko namana ay walang sumusunod sa akin nang biglang may nakabanggaan ako at tumilapon ang salamin ko.
 

Malas naman oh.
 




“S-sorry” sabi ko habang pilit inaaninag kung saan ba napunta ang salamin ko.
 

“Sorry din.” sabi nitong lalaking nakabanggaan ko na halos tingalain ko. Matangkad e.
 

Maliban sa kakulay ng jacket ko yung jacket niya, hindi ko na maaninag ang mukha niya, kaya tumi-ad ako para mas mapalapit sa mukha niya .
 
 
At naging dahilan ‘yun para mapaatras siya.
 

“Shit!” mahina niyang sabi.
 


Shit! Nawala sa isip ko hindi nga pala siya libro, masyado ata akong napalapit sa kanya. Dahil malabo ang mata ko simula pa nood naging mannerism ko ang lumapit ng sobra sa kahit anong bagay o libro kapag hindi ko maaninag.
 

My King?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon