Matapos akong ihatid ni Ruka sa sakayan ay nag Grab na ako para derederetcho ang byahe ko since papasok pa ang subdivision namin.
Kelangan ko na talagang makauwi ng mabilis.
Nagbayad na ako kay manong driver nang makarating na kami sa harap ng gate namin. Potek ganun ba talaga kalaki ang bayad?
Dahan dahan kong binuksan ang gate namin. Since bar style naman ang gate namin, kayang kaya iyun buksan mula sa labas. Basta walang padlock
Naglakad nako papunta sa front door.
Lintek. Kinakabahan ako.
Hindi ako kumatok bagkus ay binuksan ng dahan dahan ang pinto.
Pero kahit pala magdahan dahan ako ay makikita at makikita nila ako.
Lahat sila ay nasa sala. Nakaupo sa sofa habang naka cross arms. Literal na sabay sabay silang bumaling sa akin.
"Anak!" si Papa
"Princess!" Yung dalawa kong kuya. Wala si Kuya Ren.Sabay sabay nila akong niyakap.
"Pasensya na po." paghingi ko ng tawad habang sila ay nakayakap sa akin.
Kumalas naman sila sa pagkakayakap sa akin. At tiningnan lang nila ako. Naghihintay siguro sila ng paliwanag.
"Sorry Pa. Kuya." pasimula ko.
"Umupo muna tayo." sabi ni Papa. Umupo naman kami.
Katabi ko si Kuya Shan sa mahabang sofa. Nasa kaliwang single couch naman si Kuya Rai. At nasa unahang single couch ko naman si Papa.
Hindi ko na sila hinintay na magtanong at nagpaliwanag na agad ako.
"Nai-silent ko po kasi ang cellphone ko. Tapos nag group work po kami sa bahay ng kaklase ko. Hindi ko na po namalayan ang oras at nakalimutan ko na pong magpaalam sa inyo." paliwanag ko.
Hindi maganda ang pakiramdam ko kapag nag sisinungaling.
Tahimik silang lahat at walang nagsasalita. Hindi ko alam kung galit sila o ano.
"H-hindi na po mauulit. Alam ko pong galit kayo sa nangyare. Ayos lang po kung pagalitan niyo ako." pagtatapos ko.
"Anak. Hindi ako galit. Nag alala lang talaga ako ng sobra. " mas lalo tuloy akong maguguilty sa pagsisinungaling ko.
Ngumiti si Papa sa akin.
"Nakalimutan ko, malaki na nga pala ang anak ko. May mga pagkakataon na ayos lang naman kahit hindi magpaalam dahil alam ko namang uuwi naman kayo."
"Kapag itong tatlong kapatid mo ang bigla nalang nawala noon sa parehong edad mo. Hindi na ako nagugulat." patawang kwento ni Papa.
"Pa naman, mukha tuloy akong hindi matinong anak noon." sabat ni Kuya Shan.
"Nako Kuya, tanda ko pa noong nawala ka ng isang linggo. Inutusan mo akong pagtakpan kita kay Papa makasama ka lang sa gala ng barkada mo." singit naman ni Kuya Raion.
"Rai, matagal na iyun. Wag mo nang ikwento."
Naging maganda na ulit ang pakiramdam ko sa kabila ng pagsisinungaling ko. Siguro nga ay hindi lang talaga sila sanay. Kahit rin naman ako.
"Anak. Noon nag aalala ako na baka hindi maging mabuti ang pagpapalaki ko sayo, simula nang mawala ang Mama niyo. Pero may tiwala ako sayo, kahit sa mga kapatid mo."
"Salamat Pa."
"Ehem! Huli na ata ako sa balita." Pambubulabog ni Kuya Ren na kararating lang.
BINABASA MO ANG
My King?
Ficção AdolescenteIt will be all about the cute and unexpected meeting of a highly introvert genius and a sweet bad boy. Misunderstanding will be the foundation of their roller coaster love story.