Chapter 5

9 5 0
                                    


"Ano? Can we? I can be your first friend here." Sincere na tanong niya sa akin.

"O-okay. But, you're not the first."

"Ouch!" pag-arte niya na parang nasasaktan at may pag hawak pa sa dibdib. "Second lang pala ako."

"Haha. Baliw. I do have a friend. Absent lang siya ngayon kasi may sakit siya."

"Ahm, okay. Basta friends na tayo ha. Kahit second lang ako."

"Hahaha. Oo na." he's funny.


"You should laugh more."

"Magmukha naman akong baliw nu'n." biro ko.

"Ang cute mo namang baliw."

"J..ust eat."

"Ok. Hahaha." 

Weird.

*


Shit. Ansakit ng ulo ko. At sobra akong nilalamig. Nagising ako na nakapwesto pa rin sa kung paano ako unang  nahiga. Ni hindi pa rin ako nakakapag palit ng damit. Ito pa rin 'yung uniform ko kahapon na nabasa ng ulan na ngayon na tuyo na.

Parang binibiyak ang bungo ko sa sobrang sakit. Makakapasok ba ako sa school ng ganito? Kung hindi, siguradong hindi makakakain si King. At siguradong pagdidiskitahan 'yun nina Jerome.

Alam kong hindi nila ginagawan ng masama si King dahil na rin sa akin pero, ngayong hindi ko alam kung makakapasok ako, hindi ko sigurado.

Siguro kailangan ko lang maligo? Lahat ng bagong ligo ay fresh, kaya siguro matatanggal ng tubig itong sakit na 'to. 

Hinubad ko agad ang uniform ko at dumeretcho na sa  banyo. Hindi ko alam kung ayos lang ba maligo pero , wala na hubad na ako eh, nalamigan na rin ang abs ko eh.

Mabilis lang akong nag body wash at shampoo tapos deretcho nang banlaw. Wala pa atang 5 minutes ako sa banyo ay tapos na akong maligo.

Sobrang lamig kasi.

Pag kalabas ko ng banyo mas naramdaman ko ang pag ikot ng paningin ko. Napahawak ako sa pader para suportahan ang sarili ko.

Masama ito, kukuhanin na ata ako ni Lord.

Nagbihis pa rin ako ng polo ko at boxers pero nang isusuot ko na ang pants ko, hindi ko na kinaya at humiga na ako sa kama.

Pakiramdam ko ay isang maling galaw lang ay mag cocollapse ako.

Nagbalot na ako ng kumot at tinawagan si King.


Ring~ ring~ phone rings


Sinagot naman niya agad.

"Bakit Jack?"  hindi talaga siya marunong mag-good morning.

"Princess hindi ako makakapasok pasabi nalang sa mga teachers natin." pilit kong sabi kahit medyo malat na ang lalamunan ko.

"Gago! Bakit! Bakit!"

"Nilalagnat ako, nag basketball kasi ako pag kagaling ko senyo kahapon, eh biglang umulan. Pag kauwi ko nilamig ako maligo kaya dumeretcho na ako sa pag tulog. Tapos, pag kagising ko nilalagnat na ako." kwento ko sa kanya.

"Gago, sa dami ng araw na magkakasakit ka ngayon pa. Sino nang kasabay ko pumasok?!"

Hindi ko alam kung bakit parang kailangan na kailangan niya na pumasok ako. Siguro nga dahil na rin wala siyang kasama. Mas lalo talaga akong naguguilty na hindi ako makakapasok.

My King?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon