Chapter 9

9 2 0
                                    

Patuloy lang kaming nag uusap ni Ruka. Si King mukhang wasted na. Hindi na siya umiinom pero parang lumulutang ang isip niya dahil nakatulala lang siya.

Mabuti at hindi siya nagwawala. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina.

"Uy, Jaren." tawag ni Ruka at agad naman akong tumingin sa kanya.

"Si Nath, palapit ata dito sa table natin."

Lumingon naman ako sa likuran at palapit nga siya.

"Bro. Kamusta kayo."

"Ayos lang Bro." sagot ko.

Bumaling ang tingin niya kay King na nakasandal lang sa upuan at nakatulala. Katabi ko lang siya pero may space sa pagitan namin.

"Mukhang tinablan na itong kasama niyo." nakangiting sabi ni Nath.

Mas lumapit siya at umupo sa pagitan namin ni King. Si King wala pa ring kibo.

"Ayaw niyo sa dance floor?" tanong niya.

"Hindi na. Dito na-"

"Ikaw King? Tara?" hindi niya ako pinatapos at bumaling kay King na sa tingin ko ay wala nang alam sa nangyayari sa paligid.

Hinatak siya ni Nath at napatayo naman siya.

"Ano King? First time mo dito kaya, let's experience the dance floor." yaya niya kay King.

"S-sige." walang kabuhay buhay na sagot niya.

"Insan, diyan muna kayo. Sayaw lang kami."

Hindi niya na ako pinasagot at naglakad na papunta sa dance floor.

Solid sana ang samahan namin ni Nath kung hindi lang sana sa ganyan niyang ugali, na lahat ng gusto niya nakukuha niya.

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Ruka.

"Bakit?"

"Mamaya na Jaren. Tingin ko, nakainom din si Nath. Baka mapaaway ka dito. Tingnan lang muna natin."

Umupo na lang ulit ako. Bakas ko rin kay Ruka na nag aalala siya. In the first place siya naman kasi talaga ang nagsama kay King sa lakad naming ito.

SAMPUNG minuto at wala namang maling ikinikilos si Nath. Kung minsan ay halata kong ma-aout of balance si King pero agad naman siyang aalalayan ni Nath.

Nung tumingin si King sa kanya ng matagal ay doon inumpisahan ni Nath ang paghalik sa leeg nito. Agad naman kaming tumakbo palapit ni Ruka. Nakita naming nagpupumiglas si King at nang makalapit na akong tuluyan ay agad ko naman siyang inilayo kay King at sinapak.

"What the heck!?" sigaw niya habang naka upo siya sa sahig.

Hindi gaanong pansin ng ibang tao ang gulo namin dahil sa sobrang lakas ng music at dahil na rin sa mga nakainom na ang mga tao dito.

"Jaren, why the fuck did you punch me?! What the fuck is wrong with you!?" sigaw niya habang tumatayo at agad din namang naisahan ako sa mukha. Napaupo rin ako sa suntok niya.

"Kahit pinsan kita, tandaan mo nandito ka sa Bar ko. I can do what I want!"sigaw niya sa akin.

Tumayo naman agad ako at kinuwelyuhan siya.

"Fuck you! I told you, he's off limits." maawtoridad kong sabi sa kanya. Sasapakin ko pa sana siya ng isa nang magsalita mula sa gilid si Ruka.

"Jaren! Enough. Let's go. I think King's not feeling well."

Nilingon ko si Ruka na kasalukuyang inaalalayan si King. Binitawan ko naman agad si Nath at naglakad palayo sa kanya.

"Nath, you know how much I see you as a friend. But don't do something low like this again."

My King?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon