Hindi ako makapagconcentrate dito sa loob ng kotse.
Potek!
Paano ba naman. Nagpasakay pa ata si Ruka ng multo dito sa kotse niya.
Paminsan minsan din akong lumilingon sa likod at baka katabi na ni King iyong multo.
Kung meroon mang pinaka-safe upuan, iyon ay ang kinauupuan ko.
Kapag driver ka, siguradong ikaw ang makakapansin sa kung ano mang nilalang ang haharang sa kalsada.
Kapag na sa back seat ka, ikaw 'yong favorite tabihan ng multo.
Oo safe lang ako. Hindi ko kailangan magalala. Hooo!
Traffic kaya nandito pa rin kami sa kalsada.
Ayos lang naman total mas masaya doon sa pupuntahan namin kapag gabi.
"Traffic naman oh!" inis na sabi ni Ruka. Mahaba ang pasensya neto pero sa traffic, hindi.
Siguro mamaya magwawala na rin ako dito.
Wala akong magawa.
Hindi ko rin matext si Princess kasi hindi niya pa nirereplyan iyong text ko bago kami umalis kanina.
Ayoko namang obligahin siya magreply.
Siguro lowbat? O natulog pagdating niya sa bahay? O busy?
Actually, gusto ko na siyang lapitan. Gusto kong makilala niya na ako. Pero sabi ko sa sarili ko, I'll take one step at a time.
Dahan dahan lang.
Even I told the guy who gives Princess's number that, it's a matter of love at first sight, that's not really it.
I've known her ever since my childhood years. I know she's 'her'. I can't be wrong.
Siya ang batang 'yon.
Napatingin ako sa rear view mirror at agad ko namang nakita si King na nasa kaliwang bahagi ng kotse habang nakasandal sa bintana at pinapanood ang mga sasakyan sa labas.
Nahalata ko ring parang may sinasabi siya pabulong.
Hahaha! binibilang niya ba ang dumadaang sasakyan?Akala ko kanina hindi niya talaga susuotin 'yung damit kasi parang desidido na lang talaga siya mag jacket.
Hindi ko inexpect na mapipilit ko siya.
That's my new discovered power. Convincing.
Halata kong hindi lang talaga siya sanay kasi sa tuwing mag momove iyong damit niya pagilid at makikita halos ang kalahati ng dibdib at tagiliran niya ay umaayos agad siya ng upo.
Tapos, kukunot ang noo niya kasi parang nawala siya sa pagbibilang niya.
At magbibilang na naman siya ng panibago.
Hahaha. Baliw.
Sa totoo lang, mas gusto kong kasama iyong mga outgoing na tao katulad netong si Ruka.
Iyon bang sasamahan ako sa lahat ng kabaliwan ko.
Pero itong si King, kahit ata maghapon lang siyang andiyan sa gilid ng kotse habang may sariling mundo, hindi ko pagsasawaang tingnan.
Para akong nanonood ng video documentary ng isang alien.
Masyado siyang tahimik at laging mukhang naa-akwardan sa lahat ng bagay.

BINABASA MO ANG
My King?
Roman pour AdolescentsIt will be all about the cute and unexpected meeting of a highly introvert genius and a sweet bad boy. Misunderstanding will be the foundation of their roller coaster love story.