"King, Basketball tayo mamaya, total wala naman tayong klase mamayang 3 pm to 5 pm."
"Hoy Jack, wag kang epal. Sa buong klase natin ako lang ang bagsak sa P.E. dahil ni hindi ako marunong mag basketball, okay?" Tapos ako pa yayayain mo."
"Eh ano naman, malay mo kakapractice natin matuto ka. And, then pag natuto ka, forever na tayong maglalaro." sabi ni Jack na umaaktong parang nasa basketball court.
"Gago, ano iyan algebra? Konting upo mo lang para aralin magegets mo na? 'Di nga ako makatakbo ng matagal eh kasi napapagod agad ako."
"Langya naman King, dinaig mo pa baldado." may pagtawa pa ang loko.
"Gago." madiin kong sabi.
"Kasi naman eh, bakit ba ikaw lang matinong lalaki sa classroom na'to kaya ikaw lang gusto ko kausapin eh."
"Maarte ka lang. Yayain mo sina Jerome."
"Mga garapal mga yun at madadaya. Ayoko nga."
"Yun naman pala eh. Edi wag kanang maglaro. Matulog ka nalang." suggest ko.
"Kaya hindi ka nag kakashota eh, imbes na mag pasikat sa mga babae , puro pag tulog at aral inaatupag mo."
Potek! Paanong naging related ang basketball sa shota?
"Wow Jack, parang kasalanan mag aral ah. Nasa school tayo, aber. Walang subject na dating dito."
"Masyado kang seryoso boy. Pero bahala ka talaga sa buhay mo kapag biglang nagkashota ka tapos hindi mo alam ang gagawin, hindi mo ako maaasahan."
"Loko. Wala akong jowa pero marunong ako mag research no. Dun ka na nga, matutulog na ako."
"Bahala ka. Kupal ka. Love can never be identified and searched on google by Jack 2020."
"Yeah right. Thank you sa paalala master Jack de kupal. Kala mo naman talaga may shota sya eh."
"Sige, bahala ka sa buhay mo. Canteen lang ako. Nagugutom na ako eh."
"Lagi ka namang gutom."
"Hahaha. Bye."
"Mmmm"
Jack POV
Matapos kong makipag usap kay King, parang naubusan ako ng brain cells.
Matinong tao 'yun, matalino, mabait at masayang kasama, kaso walang sense kausap.
May mga babae naman dito sa classroom kaso, wala akong trip na ugali. 99% mas better parin kasama si King. Bale yung minus 1% para yun sa usap na walang kahalong 'gago' sa sentence.
Well ako si Jack, yes, from the deck of cards.
Dami kong arte, kinuha lang naman yun sa kantang Jack and Jill ng parents ko.
Hahaha.
Si King, 'di talaga 'yun ang pangalan nun. Ayaw niya lang sa pangalan niya, dahil. .. aayysst mahabang kwento. We'll stick sa "King" name niya.
Halos sa lahat ng introduce yourself namin, King ang ginagamit niya as nickname, kaya konti lang din kaming nakakaalam at nakakatanda ng pangalan niya pagkatalos niya sabihin ang real name niya.
Arthur talaga pangalan niya. As in King Arthur.
Haha joke.Well, back to my tummy my baby. Gutom na'ko.
"Sige, bahala ka sa buhay mo. Canteen lang ako. Nagugutom nako eh." paalam ko kay King.
Naglakad na ako paalis nang makita ko siyang umubob na para matulog. Bibilhan ko nalang siya ng pagkain, kahit pagkain kinatatamaran ng gago.
Bago pa ako makalabas ng classroom may humarang agad sa pinto kaya napatigil agad ako.
"Wag ka ngang basta basta nalang humaharang sa daan pre." masungit kong sabi sa kanya.
"Sungit mo boi. May itatanong lang total taga dito ka naman."
"Oh, ano naman kung taga dito ako ."
"Pedeng favor. Madali lang to."
"Tamo to, di nga kita kilala tas favor? Loko ka ah."
"Boy, chillax. Taga unang section ako, itatanong ko lang ang cellphone number ni Princess, kaklase mo siya di'ba?"
"Si Princess? Paano mo naman na kilala si Princess?"
"Pota, hindi ba pwedeng bigla ko siya nakita, then nagandahan ako, tapos ayun, gusto kong makilala siya ng lubos. Bawal bayun? At pre, lalaki tayo, you know? Alam mo na 'yun." paliwanag niya.
"At idinamay mo pa ang pagkalalake ko? Bwiset ka, bakit hindi ikaw ang mag tanong ng cellphone number niya. Sapakin pa ako nun pag binigay ko number niya e."
"Sapak? Lols. Si Princess mananapak? What a joke, wala sa itsura niya."
"Luh, bahala ka. Ikaw mag tanong sa kanya. Nagugutom na ako. Bye."
Hindi pako na kakadalawang hakbang, hinawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Pota, bakla talaga to."
"Lols hindi ako bakla no."
"Anong hindi bakla, kinukuha mo nga number ni Princess eh, tapos kung makapigil ka sa akin, parang scene sa K-Drama. Kung pumapasok ka na sa room namin, harapin mo si Princess, sabihin mo ang gusto mong sabihin, tapos ka--"
"Ok. Meal 1"
"Di mo ko masusuhulan."
" For 1 week."
"Yun lang pala eh. Madali naman ako kausap. Akin na Cellphone mo. Ilalagay ko."
Siyempre gasino na ba ang 11 numbers na number ni Princess kesa sa meal 1 for 1 week.
Meal 1 is a full course menu, heaven para sa katulad kong malakas kumain. Kung ganyan ang suhol ay game ako.
"Oh ayan na." sabay abot pabalik ng cellphone niya. "Akin na pang meal 1 ko."
Inabutan niya ko ng limang voucher for meal 1. Grabe totoo nga.
Bale meal card ang gamit sa canteen, mas convenient kasi di mo na kailangang maghintay ng sukli. Swipe swipe na lang.
And these kind of voucher precious. You can just give it to them then you meal is ready.
"Sige salamat pare, 'wag mo nalang sabihin kay Princess na kinuha ko number niya ha."
"Sige ba, mapapatay din ako nun kapag nalaman niyang pinamigay ko number niya."
"Sige, salamat bro."
"sige."
Hindi ko alam pero parang may malaki akong nagawang misunderstanding. Imagination ko lang siguro 'yun dahil sa gutom.
Hahha.
But.
Here I come meal one.Hahaha madadalhan ko ata si King ng mas maayos na pagkain.
BINABASA MO ANG
My King?
Teen FictionIt will be all about the cute and unexpected meeting of a highly introvert genius and a sweet bad boy. Misunderstanding will be the foundation of their roller coaster love story.