Chapter 10

3 2 0
                                    

NAGISING ako dahil parang mawawalan na ako ng braso anumang segundo mula ngayon.

Gusto kong galawin ang braso ko pero parang may mabigat na nakadagan doon.

Unti unti akong nag mulat ng mga mata at agad naman tumambad sa akin si King. Naka unan siya sa braso ko habang nakatagilid paharap sa akin. Nakadantay din ang kamay niya sa dibdib ko at ang binti niya sa hita ko.

Hindi ako makagalaw. At parang ayoko ko ring gumalaw kasi baka magising ko siya. Pero alam ko kapag hindi ako kumilos at bawiin ang braso ko ay baka mawalan na talaga ako ng braso.


Maingat kong ginalaw ang braso ko kasabay ang pagangat sa ulo ni King gamit ang isa ko pang kamay.

Bago ko pa man mabawi ang kamay ko ay nakita kong naaalimpungatan na si King.

Iminulat niya ang mata niya at nagkatinginan kami. Bahagya niya akong naitulak dahil sa gulat.

"Sorr--" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya bagkus ay napahawak agad siya sa ulo niya.

Siguradong ramdam niya na ang hang over. Nakaupo lang siya sa kama habang hinihilot hilot ang sentido niya.

"Ah! Ansakit!"

Umupo na rin ako habang iniinda ang ngimay sa kaliwang braso ko.

"Marami kang nainom kagabi kaya masakit ang ulo mo. Dito ka lang, magpapaluto lang ako ng pwede nating kainin."

Hindi ko na sya hinintay sumagot at nagtungo na agad palabas ng kwarto ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay napasandal agad naman ako sa pinto at napahawak ng mahigpit sa kaliwang dibdib ko.

Aatakihin ako sa puso. Akala ko dala lang ng alak yung naiisip ko kagabi pero hindi.

Paanong naging ganoong ka-cute ang isang lalaki kahit bagong gising.

Malinaw pa sa utak ko kung paano siya biglang bumangon. Dumagdag pa ang kaunting siwang ng liwanag galing sa bintana ko na tumama sa pisngi niya.

At ang mga mata niya. Kitang kita ko kung paanong parang naging kulay hazel nut iyun.

Maysakit na rin ata ako sa pag iisip.

"Iho, anong problema." halos mapasigaw ako sa gulat pero napigilan ko naman.

"Wala po manang. Tamang tama po, papaluto po sana ako sa inyo ng pwede naming kainin ng kaibigan ko."

"Ganoon ba. Sige. Kung ganoon ay bababa na ako sa kusina para makapaghanda. Tingin ko ay mabuting maghanda narin ako ng mainit na sabaw para makatulong sa hang over niyo."

"Salamat po."

"Ay siya. Maligo muna kayo habang inihahanda ko ang makakain niyo."

"Opo."

Bumalik naman ang pag iisip ko sa katinuan pagkatapos naming mag usap ni manang.

Mabuti pa nga ay iligo ko na nga ito.

Bumalik ako sa kwarto pero napahinto ako sa pinto ng marinig kong may kausap si King.

"Opo uuwi po ako maya maya. Pasensya na po talaga, Papa."

Nang hindi ko na sya narinig na nagsasalita ay pumasok na ako.

Nakita ko siyang nagkukusot ng mata.

Umiyak ba siya?

Patay! Hindi kaya napagalitan siya? Sa pagkakatanda ko, hindi siya nakahawak ng cellphone kagabi bago malasing.

My King?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon