Chapter 4: "STUPEFY"

23 3 0
                                    

Ted's POV


Dali-dali kong dinala si Nine sa clinic at umalis agad dahil baka hanapin ako ni Mrs. Tingson at mas magalit pa sa akin.


Habang pabalik sa classroom, iniisip ko kung bakit nagka ganun siya. Nang dahil ba yun kay Mrs. Tingson? Oh kaya dahil nauuhaw siya? *smells armpit* o dahil sa amoy ko? Arghh!! Bakit ko ba pinagkaka-abalahan ang kalagayan niya? Sino na siya?!


Tama... Sino ba siya para isipin ko ng ganito kalalim? I am an active member of Stupefy! Walang pag-i pag-ibig, walang awa-awa. Bawal ang malalambot na puso.


At dahil sa hindi ko maintindihang galit, sinipa ko ang plastic bottle na nasa sahig at... Tumakbo ako pabalik sa clinic.


-


-


Hindi ko alam kung bakit dinadala ako ng mga paa ko pabalik sa kanya. Siguro nagi-guilty lang ako dahil kasama ko siya bago siya natumba.


Pagkarating ko sa clinic, nakita ko si Nine.. Nakahiga, natutulog at namumutla. Halatang pagod siya kaya hindi ko muna siya ginising.


"Ma'am saan po ba ang bag niya?" -tanong ko sa school nurse namin.


"Iho, may number ka ba ng parents niya? Nandoon ang bag niya sa sofa." -Ms. Nurse
"Tingnan ko po sa ID niya." -ako


Binuksan ko ang bag niya at nilagay ang isa sa apat na hikaw ko sa bag niya. Nakita kong may personal information na nakalagay sa isang notebook niya kaya binigay ko ito sa nurse.


Umalis na ako kaagad at pumunta sa classroom. Buti na lang wala na si Mrs. Tingson kaya pumasok na ako agad para sa second subject.


Pag upo ko sa silya, tinabihan ako ni Yael. Myembro rin siya ng Stupefy. Tiningnan niya ang tenga ko.. Napatayo siya at malungkot na tiningnan ako. Wala akong magagawa eh... Kailangan.

Nine's POV


The next day, nagmamadali akong pumunta sa school para ma-catch up ang hindi ko nasalihang quizzes kahapon. Kahit first week of class pa lang, dapat maganda na ang background ko. Paano kasi, nang dahil sa Ted na 'to masyadong maganda ang Buena Mano ko sa school! Take note of the sarcastic tone.


Since wednesday ngayon, kaunting books lang ang dadalhin kaya nag small bag nalang ako dahil sabi ng mama na bawal akong magpagod.
Nasa sasakyan na ako, hinahatid ni papa nang natuklasan kong wala pala sa bag ko ang phone ko!!
"Pa, can we return for a while? My phone isn't here." -ako


"Nine malayo-layo na tayo. Dapat maaga ka ngayon diba? Don't worry. I'll fetch you in the afternoon." -sabi ng papa ko. Kaya hindi na ako kumontra.


Pagpasok ko sa classroom, parang less than 50% of the class population pa ang mga tao. Naisipan kong magbasa muna ng libro. Maya-maya di ko namalayang puno na pala ang room at biglang.....


*BANG!!!*


Lumipad ang librong binabasa ko nang hinagis ito ni.. Yael!!


"Hoy ano ba!!! Walang galang!!" -ako, na sobrang naiinis na.


"Huwag na huwag kang magtatangka. Huwag mong hahamunin ang Stupefy!" -sagot niya sa akin.


"Stupefy...?" -bulong ko sa sarili ko.


Lumingon ako sa paligid at lahat ay nagulat at natakot sa nangyari. Tiningnan ko si Ted... Nakatingin siya sa akin. Walang emosyon...
Hahayaan lang ba niya ako na ginaganito ng mga kaklase namin?

I Call It Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon