Chapter 8: Get to know Ted

15 2 1
                                    

Ted's POV

Na bad mood tuloy ako dahil sa teacher na yun. Nakakainis! Bakit ba kasi ang unfair ng school na to. Hindi naman ako pwedeng mag transfer kundi, mapipilitan si nanay na bayaran ng buong year ang tuition ko dito. Masasayang ang scholarship ko. Kaya tiis tiis muna Ted Rosal. Huling yugto na to. :)

Gusto nyong malaman ang totoong storya ng buhay ko? Sige nang maintindihan nyo ako.

Nag iisang anak ako nina Mr. Roger Rosal at Mrs. Teresita Rosal. Laking probinsya ako, at sa probinsya din ako nag elementarya. Pero nung namatay si tatay, nagpasya si nanay na ibenta ang lupain at lahat ng kalabaw namin upang makapunta ng Maynila at dito na mamuhay. Nag negosyo ng kaunti ang nanay at hanggang ngayon kumikita pa rin ito. Tapos pina enroll ako ni nanay dito sa ACE-U gamit ang kinita namin sa negosyo. Pero nung 1st grading pa lamang naipamalas ko na agad ang talino ko sa pag-aaral kaya ayun, nabiyayaan ako ng scholarship sa paaralan. Kaya lang, nung dumating ang mga gago sa buhay ko nailipat ako sa 3rd section at hindi na muli naging top student. Buti na lang nandyan pa rin ang scholarship ko bilang isa sa tindera sa canteen ang nanay ko. Oo, tindera ang nanay ko at proud ako dun. At hinding-hindi ko hahayaan na gagraduate ako sa paaralang ito na walang hustisya.

Kris' POV

Dismissed na ang klase nung nag-aya ang mga classmates ko na mag hangout daw kami bilang 'Welcome Home' treat sa akin. Sabagay parang nabigla naman yung system ko sa dami ng sumalubong na lessons sa akin kaya dapat siguro mag relax muna ako.

Habang nag lalakad papuntang gate, nakita ko si Janine sa waiting area na may binabasang mga papel... kaya nilapitan ko siya.

"Hi Janine." -ako

"Oh. Hello Kris." -siya

"Ano yan?" -ako

"Ahh, request letter na isusubmit ko sa head daw ng school para malipat na ako ng section. Alam mo ba kanino ko ito ipapa sign?" -siya

"Ako na bahala dito. Akin na. Anong section ka daw Ita-transfer? At bakit daw?" -ako

"Amber daw. Kasi I don't belong to Cerulean daw eh. Bakit ba, bobo ba mga students doon? Bakit nandun si Ted? Eh ang talino nga nun. Nag debate pa nga kami kanina." -siya

"Hindi ko alam eh. As far as I know hinahalo-halo nila ang students dito. Walang basehan ang IQ sa nakalaang section. Pero ako na bahala sa papers mo. Welcome to section Amber!!" -ako

Biglang sumigaw ang classmates ko na naghihintay sa akin na: "Ano ba? Sasama ka o sasama ka?"

"Gago! Hahaha sasama kami. New classmate natin!" -ako

"Teka lang, kukunin ako ng dad ko eh. Pero itetext ko nalang siya. Baka kasi sabihin nyo kj ako." -siya, at ngumiti siya na parang diwata.

Grabe pre... ang ngiting yun, nakakatunaw!! Buti nalang classmates na kami simula bukas. Haaayyy Janine ♡

I Call It Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon