Janine's POV
*KRIIIIIIIIIIING*
Oh my God!!! Late na naman ako... Sana makaabot pa ako sa gate!!!
*takbo*
*takbo*
*takbo*
"Heeeep!! Manong guard naabutan ko pa po iyong bell!" -ako.
"Pero nasa labas ka pa nang natapos ito." -guard
"Eh sinara niyo po eh." -ako
"Kasi tumunog na ang bell." -guard
"Kaya nga, tumutunog pa ito nung papasok na ako." -ako
"Hindi nga..." -guard
"Guard, paraan." --
Isang malamig na boses ang narinig ko sa likuran ko. Ah, siya pala... Si Mr. Ted Rosal.
"Uyy, Ted. Nakita kita kanina sa kanto. Ano, nanalo ba tayo?" -ako
"Hoy hoy! Anong nanalo?" -guard
"Manong guard, may name po kami. Ako si Nine, siya si Ted. Papasukin niyo muna kami bago kita sasabihan kung saan siya nanalo *big smile*" -ako
Binuksan naman ng guard ang gate. Haaayyy salamat..
"O eto, dumiretso kayo sa Principal's office ha. Doon mo ikuwento ang nakita mo kanina." -guard.
Nagkatinginan kami ni Ted ngunit walang emosyon ang kanyang mata. Nagsimula na akong maglakad nang binulungan niya ako ng "Humanda ka mamaya". Tapos umuna na siyang maglakad. Parang may laman ang sinasabi niya. Pero bakit ba?! Anong mali ko??
-Principal's office-
"So Ms. Janine..." -Principal
"Ahh, Nine nalang po. Masyadong mahaba at mabait pakinggan eh." -ako
Napatawa ng mahina ang principal dun. Pero nang tingnan ko si Ted, diretso lang ang tingin niya. Ewan ko paano niya nagagawa iyon.
"Ms. Nine, saan mo ba nakita ang lalaking ito kanina?" -Principal
"Ganito po kasi SIr Ybañez. Nagmamadali akong lumabas sa amin. Katunayan nga kumakain ako habang naglalakad. May dala akong tinapay. Pero nabilaukan ako kaya bumili ako ng softdrinks sa tindahan. At dun, nakita ko si Ted." -ako.
"*small laugh* Madaldal na bata... Anyway anong ginagawa niya dun?" -Principal
"Nag.... -oouch! Ano ba?!" -ako
Biglang naramdaman ko na lang na tinapakan ni Ted ang paa ko at nung tumingin ako sa kanya, diretso pa rin ang tingin nya ngunit may bakas na ito ng galit. Napikon ako sa nakita ko kaya...
"Bakit ba?! Ayaw mo bang malaman ni Sir na nagsusugal ka kanina??" -ako
Nakita kong pumula ang mukha ni Ted. Kasabay nito ang biglaang reaksyon at pagtayo ni SIr Ybañez. At dahil dun, bigla akong natakot..
Ted's POV
Nakakainis talaga ng babaeng ito! Kabago-bago sa paaralan, nagpapaka-reyna na. Pwes, hindi mo pa ako kilala. Total, ikalawang araw pa naman ng klase. Maghintay ka lang. Dahil uubusin ko ang siyam mong buhay, Nine! Wahahaha!!
Kahit anu-ano na ang iniisip ko pero nag sesermon na pala itong kalbo naming Principal. (as always)
"Hindi ka ba napapagod Ted?! Kayo talaga ng grupo mo ang sakit ng ulo ko!.."
Ang ulo mong kalbo. (sa isip ko)
"...hindi ka ba titigil Ted? Ni minsan, hindi mo ako pinakinggan. Sa apat na taon mo sa high school, hindi ka pa rin ba titino?!" -Sir Ybañez
"Sir, tigil na. Baka maubos buhok mo." -ako, pero walang emosyon.
"Yan, dyan ka lang magaling eh.. Iyan ba ang ipapakita mo sa mga bagong mag-aaral dito?" -Sir Ybañez
Pagkasabi nya nun, tumingin ako sa pakialamerang babae. Nakita kong tumatawa siya ng walang boses. Yung tawa na nakakahawa dahil nakakatawa din yung mukha niya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya't napa-halakhak na rin ako. Ngayon lang ako tumawa muli ng malakas at dahil pa sa mortal kong kaaway. Ironic right?
Tapos manermon ng kalbo, pinapunta na kami sa classroom namin. Malayo-layo din ang building ng high school. Makakakwentuhan ko ba ang madaldal na ito? Hmp, huwag nalang.