Ted's POV
Nag-aaral ako sa paaralang ito mula pa 1st year high school ako. Nung first year ako, aakalain mong ako'y isang anghel na inilaglag ng langit. Masasabi ng mga guro na napakabait kong bata. Minsan nga ako ang mas inuutusan nila kaysa sa mga kaklase ko dahil alam nilang madali akong utusan at sinusunod ko kaagad sila. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang nag transfer ang limang lalake sa section ko... sina Yael, Edmond, Karlo, Jonas at Marky. Hindi ko talaga sila gusto nung una. Kasi napaka basagulero, walang araw na hindi sila naghahanap ng gulo. At tuwing may test at quizzes kami, pinapagitnaan nila ako para makakopya. Wala na akong choice. Dahil kung hindi, baga gulpihin nila ako sa labas ng school.
"Hoy payatot!" -sigaw ni Yael sa akin, ang kumbaga Leader ng grupo.
"Mamaya may test daw sa Biology. Tandaan mo kapag hindi ka magpakopya, naghihintay na ang kabaong mo sa labas ng school." -dagdag niya.
Natakot ako. Hindi ako sanay sa mga ganung salita. Hindi ako takaw-away na tao. At maganda ang pananaw ng mga guro ko sa akin.
Ngunit bigla nalang isang araw nagka brownout sa buong campus dahil napabalitaang may sunog sa kabilang baranggay ng school. Lahat ng studyante ay naka-gather sa quadrangle namin. Nagpahuli ako, chineck ko ang bawat silid sa lahat ng building upang masigurong wala nang elementary o highschool na naiwan.
Nang pababa na ako dumaan ako sa Chem Lab namin...
"Kuya...kuya..." -may tumawag sa akin, animoy nahihirapang huminga.
"Sino yan? Lumabas ka na, doon tayo sa quadrangle." -sabi ko.
"Hindi ako makatayo.." -sabi nung tao sa loob.
Pumasok ako at nakita kong napakagulo ng mga gamit sa loob. May mga experiment materials na nagkalat at nabasag. Doon, nakita ko ang isang Grade 3 student na nakahiga at nadaganan ang tiyan nya ng aparador. Ewan ko kung sino ang gumawa o aksidente lang. Pero nung lumapit ako sa kanya, hindi ko na sya naabutan. Hindi na humihinga ang bata.
Tumakbo ako sa labas upang humingi ng tulong... Pero nasalubong ko si Yael.
"Anong ginawa mo Ted??!" -sigaw sa akin ni Yael na nag aalala.
"Yung bata... yung bata.." -ang tanging nasabi ko lang. Hindi ko inaasahan ang lahat ng nangyari.
"Mr. Rosal, kanina pa kita hinahanap. Alam mo bang ikaw lang ang kulang sa mga high school doon sa quadrangle?? Inutusan ko nalang itong si Yael para tawagin ka... At bakit pinagpawisan ka ha? Parang nakakita ka ng multo!" -sabi sa akin ni Ms. Ledesma (na si Mrs. Tingson na ngayon. Dahil sa nangyaring ito, nag iba na ang tingin niya sa akin)
Magsasalita na sana ako nang...
"Alam mo ba Ms., may masama siyang ginawa sa isang Grade 3 student! Kaya nga nagkuripas ng takbo yan nung pumunta ako dito." -ang pagsisinungaling ni Yael.Umiling ako dahil sa galit. "Hindi po totoo yon ms. Kaya nga tumakbo ako para humingi ako ng tulong sa iba. Nakita ko lang po yung bata na naghihirap na." -sabi ko na halos mangiyak-ngiyak na. Hindi kasi ako sanay na pinagbibintangan.
"Mr. Rosal, at ikaw Mr. Alfonso, to the office now!!" sabi ni Ms. Ledesma at dinukot ang phone nya upang tumawag ng ERUF.
Papunta sa office..
"Alam mo Ted, matutulungan kita sa problema mo." -Yael."Hindi ko kailangan ng tulong mo. Wala akong kasalanan." -ako
"Huwag na kasi magpairal ng pride. Alam mo ba? Pinsan ng daddy ko ang isa sa founder ng school na ito. Kaya kahit anong sabihin ko, paniniwalaan nila ako. Isa akong Alfonso. At ikaw? Simpleng Ted. Isang sumbong ko lang na pinatay mo ang bata, bye bye ka na dito. Maghanap ka na ng ibang skwelahan na mag aampon sayo." -Yael.
Natakot ako sa sinabi nya. Sino nga naman ako diba para paniwalaan ng school na ito.
"Sige Yael. Anong kapalit?" -ako.
Tumawa sya ng malakas. "Nababasa mo talaga ako? Hahaha!! Simple lang naman. Be a part of our group. Kawawa na kasi kami. Hindi raw kami papasa this school year. We need you.. Not to change us. But to show the teachers na maaaring maging good example ang group namin. Kasi nandito ka. Para na rin legal na ang pagkopya namin sayo... Bilang barkada ka namin. Kahit may connection ako sa school na ito, exception sa lahat ng special treatments ang mga grades ko. So... Deal Mr. Rosal?" -Yael.
Inoffer nya ang kamay nya. Nag dalawang isip ako.. Pero inalala ko ang paghihirap ng nanay ko. Kaya i shook his hands and said. "Deal. Sasabayan ko ang bulok nyong pamamaraan."
Nang dumating na kami sa office, naunang pumasok si Yael at naghintay na lang ako sa labas.. Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Ms. Ledesma.
"Pasensya ka na kanina Ted ha. Magulo lang talaga ang ulo ko. Napagbintangan pa tuloy kita. Naipaliwanag na lahat ni Yael." -sabi nya sa akin at ngumiti. Tumango nalang ako sa kanya.
Mula nun, myembro na ako nila. Pinapili nila ako ng group name at 'Stupefy' ang napili ko. Ibig sabihin kasi nito ay para hindi mapakali ang isang tao sa pag-iisip. Pero ang totoong dahilan ay sila'y mga STUPID BUTTERFLIES. Ang bakla kaya nila!
Bilang myembro ng grupo nila, may mga rules and regulations silang pinapatupad sa akin.
Una, dapat maging kulay pula ang buhok ko.
Pangalawa, dapat marunong akong uminom ng alak at mag sigarilyo.
Pangatlo, dapat may apat na hikaw ang kaliwang tenga ko.
Pang-apat, bawal ang babae sa grupo. In short, bawal magka girlfriend.
Panglima, bawal maging maawain. Kung ano ang amin, amin lang. Dapat wala kaming pakialam sa ibang estudyante ng paaralan.. Kahit teachers.
At marami pa silang sinasabing mga batas na si Yael mismo ang gumawa. Sa una, nahihirapan akong mag adjust. Muntik ngang atakihin sa puso si nanay nang makita nya ang mga hikaw sa tenga ko. "Nay, huwag kayong mag-alala. Alam ko ang ginagawa ko. Nag-aaral pa rin akong mabuti." sabi ko nalang sa kanya.
Hindi na kami sinisita ng mga teachers bilang nasa grupo si Yael. Naging matataas na rin ang mga grades nila dahil sa akin.. Habang ako, bumaba ng kaunti dahil sa deduction sa character ko. BAHALA NA. HUWAG LANG AKONG PAALISIN SA SCHOOL NA ITO.
Kaya ngayon.. fourth year high school na ako, iba na ang tingin nila sa akin. Lalo na sa mga new students... Well, except ni Nine. Siya lang ang babaeng may gana at lakas na patawanin at kausapin ako.