Chapter 3: Thank You

25 2 0
                                    

Ted's POV

Sinabi ko na nga sa babaeng ito na huwag na lang munang pumasok! Eh ang tigas kasi ng ulo. Yun tuloy...

"Mr. Rosal!! Hmm, at Miss...?" -Mrs. Tingson.

Naku, parang nakita pa niya si Nine.. Lumabas si Nine mula sa likod ng pintuan at nagsalita ng mahina na halos mangiyak-ngiyak na ang boses.

"D-d-dela Cruz.. po." -Nine.

Nanlisik ang mga mata ni Mrs. Tingson. Ayaw na ayaw kasi niya ng mga estudyanteng mahiyain, mahihina ang boses, at higit sa lahat... LATE!

"LOUDER MISS!!!" -Mrs. Tingson

Sigaw nya na may sobrang tinis na boses. Nakakairita nga sa tenga...

Bigla na lang nakaramdam ako ng mahigpit at nanginginig na hawak sa kamay ko... at nakaramdam ako ng awa kay Nine. Parang takot na takot talaga siya.

"Siya po si Ms. Janine dela Cruz ma'am." -ako. Ako na lang ang sumagot para kay Janine... ramdam ko kasing pa-iyak na talaga siya.

"At may naimpluwensyahan ka na palang bago Mr. Rosal? Kay aga mo namang naghasik ng lagim?!" -Mrs. Tingson

Yumuko nalang ako dahil terror talaga sa paaralan ang gurong ito. Pati nga ako natatakot na rin sa kanya pero kailangang maging matapang muna ako ngayon alang-alang kay Nine.

"Pwes!! Hindi kayo maaaring pumasok. Hintayin niyo ako dyan hanggang matapos ang klase ko." -Mrs. Tingson

At padabog niyang sinara ang pintuan.

Tiningnan ko si Nine at napa-upo siya.

"Paki-bukas ng bag ko please. Kunin mo tubig ko." -siya.

Dali-dali ko namang kinuha ang water jug niya. Gusto ko sana siyang kamustahin... kaso nahihiya ako. Hinintay ko munang kumalma siya. Nung medyo okay na siya,

"Ano Nine, okay ka na ba?" -ako

Tumango siya nang marahan. Tapos... bigla siyang natumba.

Nine's POV

Habang dadat ng dadat ang guro na iyon, bigla na lang sumikip ang dibdib ko kaya napakapit ako sa bisig ni Ted. Hindi ko alam pero nahihirapan akong huminga sa mga oras na iyon... buti nalang marunong magpakumbaba ang mokong na 'to ngayon.

"Ted... Ted.." --pilit ko siyang sinigawan pero sadyang bulong lang talaga ang lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayari. Ang huli kong natandaan ay pinaupo ako ni Ted matapos sabihin ni Mrs. Tingson na hindi kami pwedeng pumasok.

-

-

Pagkagising ko ay sumalubong sa aking ang mukha ni Usui-chan na nakadikit sa kisame... so ibig sabihin....nasa bahay na ako!

"Ma!!! Pa!!" -ako.

Tiningnan ko ang damit ko at naka pantulog na damit na pala ako. Napansin kong pasado alas dyes na pala ng gabi. Patakbong pumasok sa kwarto ko ang parents ko at parang nag-aalala.

"Ano anak? Okay ka na ba??" -mama

"Sino ang nagdala sa akin dito?"- nag change topic muna ako dahil parang ang gulo pa ng pangyayari.

"Tumawag sa amin ang school nurse niyo." -papa. Simpleng sagot lang niya.

"Ano po ba talaga ang nangyari? Na-pano po ako?" -tanong ko sa kanila.

"Matulog ka na anak... Maaga ka pa bukas." -sagot lang nila at umalis na sila sa kwarto ko.

Habang hinihintay ko ang slumber ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang message at:

From: +639*********

"Okay ka na ba?"

Kutob kong si Ted ito kaya nag reply ako ng: "Salamat pala kanina. You saved me from that Medusa. Thank you." At nakangiti akong natulog..

I Call It Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon