Chapter 6: Thank You... Again

15 3 2
                                    

Nine's POV

Anong gagawin ko? Lalaban ba ako? Pero diba nga sabi ni Mama bawal ako magpagod? Pero ano, maghihintay pa ba ako sa so-called Knight in Shining Armour ko? Eh naka tunganga nga lang iyon eh. Oh Lord help me! Baka basagin ang bungo ko ng Yael na to. 

Nakayuko lang ako habang nagnanakaw ng tingin kay Ted pero iyon pa rin ang estado niya. Hanggang sa....

"Ms. Dela Cruz tawag ka ni Mrs. Tingson." -sabi nung lalaki na pumasok sa room namin. Haaay buti na lang niligtas ako ni Medusa.

"Kris? Dumating ka na pala?" -sigaw ni Yael na gusto sanang yumakap doon sa lalaking pumasok.

"OO." -simpleng sagot nung lalaki at lumabas na sa room. Natahimik si Yael. Pero sumunod na lang ako para makaiwas sa mas malaking gulo.

Habang naglalakad papalayo sa High School building...

"Teka, diba dapat sa Faculty room tayo pupunta? Nandoon kaya si Mrs. Tingson kapag wala siyang klase. Ah oo nga pala new student ka. So I assume di mo pa alam diba? Alam mo ba, napaka terror ni Medusa. Tsaka ang tinis pa ng boses. Bakit ka pa kasi dito ka nag aral. Kita mo, ikatlong araw ko pa lang regrets na agad ang pumuno sa akin. Na sana di ako dito.. Or sana sa province nalang ako.. Dagdag pa yung Yael na yun...." -naputol ko ang mahabang speech ko sana dahil nagsalita siya.

"Hahahahahaha ang daldal mo naman! At tsaka Medusa pa talaga? Nasanay ka na talaga na tawagin siyang ganyan noh?" -sabi ni 'Kris' ba yun? Ang gwapo naman nito. Ang amo ng mukha... at ang linis pa.

"Ay! Sorry. Pero yun nga, saan tayo pupunta? Sunod lang ako ng sunod sayo eh." -ako

"Niligtas kita." -Kris

"Seriously? Saan at kailan mo ako niligtas? Diba tawag ako ni Medu-- ay este, Mrs. Tingson?" -ako

"Simple. Kilala ko si Yael Alfonso. Alam ko ang mga baho at tabas ng sungay n'yan. Hindi totoong tawag ka ni Mrs. Tingson dahil actually may orientation ang mga teachers ngayon at 11am pa ang continue ng klase. And... no, I am not a new student. I am an old student. I have been here since Kindergarten. Nag summer vacation ako sa Venice at kahapon lang ang uwi ko. Kahapon kita unang nakita. At nakilala kita dahil may nakita akong notebook mo sa Nurse's table kaya sinauli ko sa bag mo." -sabi ni Kris.

"Nakita mo ako kahapon? Eh, morning lang ako pumasok eh kasi inuwi ako sa amin. Hindi ko nga alam ang dahilan tapos pag gising ko nasa bahay na ako. Saan ka ba kahapon? Baka alam mo kung sino naghatid sa akin sa clinic dahil baka siya ang nag text sa akin nung gabing iyon." -ako

Tumawa siya ng malakas.

"HAHAHAHA Hay nako Daldalita..." -napatigil siya. At ngumiti ulit.

"Hindi ko alam kung sino nagdala sayo sa clinic eh. Pero nakita kita dun, mukhang may sakit ka kahapon ah pero ngayon ang sigla mo na." -siya

"Ganyan talaga.. Keep the positive vibes!" -ako

"So ano, tara sa Canteen? Treat ko. Pero... huwag mong pansinin ang sasabihin ng iba ha?" -Kris

Pumayag ako dahil of course, pagkain na iyan. Walang awkwardness o hiya2 kaya ang katawan ko. Sumunod ako sa kanya papuntang canteen.. Pagpasok na pagpasok ko nang kasama siya, nagtinginan ang lahat ng tao sa amin. Nainis ako. Tinitigan ko rin sila ng mas masama. Bakit ba? Anong meron kung isang estudyante din dito ang kasama ko?

"Another Bitch?"

"If I know alalay lang iyan."

"Baka friend lang naman."

"Ano ba naman yan ka-babaeng tao."

"Ang gwapo ni Krissss!!"

"Ate sukli ko po!"

Ilan lang iyang sa mga narinig ko. Bakit parang center of attention talaga kami??

"Halika.." -sabi ni Kris at hinila ako.

Naupo kami sa isang table at binigyan ako ng milk tea at buttered croissant. Hmmm, kuha nya ang kiliti ko ah. Favorite foods ko, alam niya!!!

"Alam mo?" -tanong ko sa kanya

"Ang ano?" -siya

"Ahhh, wala. Hehe salamat." -ako

Nagkuwentohan kami tungkol kay Yael at sa Stupefy. Ang dami pala niyang alam tungkol sa grupo na yon. At mas nakilala ko rin si Ted. Hindi nga siya dapat pagkatiwalaan. 

Matapos naming kumain..

"ATTENTION ALL STUDENTS, PLEASE GO TO YOUR RESPECTIVE CLASSROOM, THE CLASS FOR 11AM WILL BE STARTING IN A FEW MINUTES. THANK YOU."

Ayun na page na kami na babalik na daw kami sa room namin.

"To formally know each other, I'm Kristoffer." -sabi niya at inalok ang kamay niya.

"Nice knowing you Kris. I'm Janine." -ako and I shook his hand.

Naglakad na ako pabalik sa room namin since ibang section si Kris. Pero feel ko may nakalimutan akong sasabihin sa kanya.

"KRIS!!" -sigaw ko at lumingon naman siya. Medyo malayo-layo na rin siya.

"Ano, Janine?" -siya

"Thank you!!" -ako

"AGAIN!!"-siya

"Ano??"-ako

"Wala. See you later!" -siya.

And I waved my arm to him at siya rin. Ba't ganun? I expected Ted to save me just like what he did when I encountered Medusa. Pero iba pala talaga ang Knight in Shining Armour ko. Bat ba kasi ang bilis ko magtiwala?

I Call It Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon