Chapter 2: Turn on (*crash that*) TURN OFF

28 2 0
                                    

Ted's POV

Pabalik sa high school building, tahimik lang siya ngunit nung ako ang nag-open ng topic sa kanya, nagsimula na ang non-stop niyang bibig.

"So bakit nasipan mong mag-aral dito sa Southern University?" -ako

"Simple lang. Gusto kong maranasan na mag-aral sa isang university at least, sa last year ng high school ko. Nakakatawa diba? Ang babaw ng dahilan. Pero okay na rin kasi kahapon, nung first day, ang dami ko nang naging kaibigan. Tapos ngayon, nagka-usap pa tayo. Hehehe ang saya naman dito. Sana ganito hanggang graduation... Naku, bakit graduation na agad ang iniisip ko eh second day pa lamang ngayon... haha naloko na!" -siya

Ang sarap sapakin ng kasama ko as in ngayon na! Ang daldal!!!

"Hindi ka pa tapos?" -ako

"Actually marami pa akong gustong ikuwento. Mamaya pag lunch ha, usap uli tayo." -siya

Natutuwa ako na naiinis sa kanya. Nakakatuwa na may isang babae sa mundo na interesadong makipag-kuwentuhan sa akin.

"Siyanga pala, sorry kanina." -siya

At dun, naalala ko ang ginawa niya kanina. Biglang nawala ang pagkagiliw ko sa kanya. Dahil naipangako ko sa sarili ko at sisiguradohin kong hindi ko palalampasin ang ginawa niya at magtatanda siya!

Inunahan ko siya sa paglalakad at tumakbo ng mabilis papuntang classroom.

Nine's POV

Nagkakuwentuhan kami ni Ted pabalik sa high school building. Tahimik lang naman siya. Katunayan nga, ako lang ang daldal ng daldal. Wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti at tumawa. Mala-anghel din pala ang mukha niya. Tanggalin lang natin ang tatlong hikaw sa kanang tenga niya, kulay pula na buhok, sariwang sugat sa kilay at papulahin natin ang medyo lila na niyang mga labi. Ayun perfect!

Oo ganun ka-badboy ang itsura ni Ted. Kaya nga di ko akalaing may tinatago pala siyang malinawag na ngiti.

Habang nakikipag halakhakan ako sa kanya, bigla kong naalala ang atraso ko. Kaya naisipan kong humingi ng tawad.

"Ted, sorry pala kanina." -ako

Bigla ko nalang naramdaman na huminto siya sa paglalakad.. hanggang sa tumakbo na siya papalayo sa akin. Nagtaka ulit ako. Napaka-ilap at napaka-misteryoso naman ng lalaking ito. Gwapo sana kaso weird nga lang...

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Hindi ko na lang siya hinabol. Basta ako, nagawa ko na ang part ko... humingi na ako ng tawad.

-Classroom Hallway-

"Uy! Ted pasok na tayo! Bakit nandyan ka pa?" -ako

Nilapitan ko si Ted na nakaupo sa sahig sa labas ng classroom namin.

"Uy tayo ka na!" -ako

"Bilib ako sayo kapag makakapasok ka." -siya

"Huh?" -ako

Nagtataka ako kaya sinilip ko ang parang glass ng pintuan ng classroom. Nakita kong nagsisimula na ang klase.

"Eh problema ba iyan? Tara pasok na tayo. Sabihin nalang natin pinatawag tayo ni Sir Ybañez." -ako

Tumayo si Ted sa tabi ko at binuksan ko ang pintuan. Bigla ko na lang narinig ang napakatinis na sigaw mula sa loob. Naku parang si Mrs. Tingson yun ah. Patay!!!

"Mr Rosal!! How dare you interrupt my class!" -Mrs. Tingson

Nagtago ako sa likod ng pintuan upang hindi niya ako makita. Natatakot talaga ako sa guro na iyon. Pero... paano si Ted? Siya ba ang mananagot sa pagka-careless ko?

I Call It Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon