Pangsampu (Paglayo)

33 2 0
                                    

Kailangan ba talagang ilang linya ng salita
Para ang isang sulat ay matawag na tula
O sapat na ang ilang mga salitang binubuo ng mga letra
Sapat na ba kapag ang nakasulat ay mahal kita?

Sa bawat mga salitang aking isinusulat
Isa lamang ang naisin nito, na ikaw ay mamulat
Na alam kong kahit mali at hindi nararapat
Hindi ako magsasawa na ang pag ibig sa'yo ay ipakalat.

Wari ang tingin ng iba'y ako nababaliw na
Puwes narito ako upang patunayan na tama sila
Na totoong nababaliw at nalulunod na ako
Sa pagibig na alam kong hindi mo kayang ibalik kahit singko.

Diba sabi nila na kapag nagmamahal dapat walang inaasahan pabalik
Pero paano kung masyado na akong nahimbing sa panaginip
Panaginip kung saan ikaw sa akin ay sadyang sabik
At handa mong ibalik lahat ng aking mga halik.

Mali ba na piliin kong ang mga mata ay hindi na muling imulat at piliin ng hindi gumising.
Mula sa panaginip kong ikaw ay tuwinang nasa piling.
Pero andaming bagay ang sa kagustuhan ko'y pumipigil
Wari'y nagpapahiwatig na ang kahibangan kong ito ay kailangan ng tumigil.

Kaya kahit gaano man kalalim ang aking nararamdaman para sa'yo aking mahal
Wala akong magagawa kung mismong tadhana na ang sagabal
Kaya sa huling parte ng tulang ito ay nais kong ipaalam sa'yo
Na kahit gaano kasakit, hindi ko pagsisisihan na ang naging pasya ko ay ang paglayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken (Truth) PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon