Spoken Poetry ( tagalog )

12K 232 30
                                    

Paalam na Aking Sinta
by:quensss

Ang kwento ko na kwento mo rin
Nasa madaling salita ay kwento natin
Na naging kwento nya at kwento mo
Nasa madaling salita ay naging kayo at hindi naging tayo

Masakit umasa lalo na sa kagaya mong paasa
Na ang alam lang ay makasakit ng damdamin at puso ng iba
Pero bakit minamahal pa rin kita sinta
Kahit nasaktan ako sa mga salitang ito
"kaibigan lang kita"

Pinipilit kong limutin ka
Ng itong pighati at sakit ay mawala na
Pero may napagtanto ako
Mahirap pala talaga

Na habang ako'y umiiyak
Dahil sa sobrang sakit at hirap na naalala ko
Na pag ako ang yong nasa harap nakikita mo ang iyong pangarap
Na nagbago dahil masaya ka na pag siya ang iyong kaharap

Ngunit sino nga ba ako?
Sino nga ba ako para sayo?
Para pigilan ang isang tulad mo
Na pinili sya at hindi ako

Pero akala mo mahal lang kita
Hindi, dahil sobrang mahal kita
Pero may ipapaalala lang ako sa yo
Sya ang pinili mo at hindi ako

Nasakatan ako dito(utak) dito(puso)
Pero bakit nagkakaganito pa rin ako sayo
Nasa araw-araw na ginawa ng dyos
Minamahal lalo kita ng lubos

Siguro nga nasanay akong naandito ka
Kaya para sa akin ganito ka kahalaga
Pero grabe na yung sakit talaga
Dahil ang turing mo sa akin ay kaibigan lang pala

Sa mga alaala
Na ginawa nating magkasama
Kailangan sigurong magpaalam na
Para tong sakit at pait aw mawala na

Kaya siguro ito ang huli na
Huling pagkakataon na sasabihin sayo na mahal kita
Huling pagkakataon na masasaktan ako ng sobra
Kaya sana maging masaya ka sa piling nya
Kaya paalam na aking sinta...

Unspoken (Truth) PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon