Pangwalo (Marupok)

3.4K 25 0
                                    

Marupok ako
Sa iyong mukha
Sa iyong pananalita
At sa amoy ng anit mo kahit maghapon ka nang nasa arawan

Marupok ako
Madaling madarang
Sa labis na ganda mo
At sa lahat ng iyong kakulangan
Kung paanong lumalapat ang iyong buhok
Sa hugis ng iyong balikat
At kung paanong lumilitaw ang batok mo kapag nagpupusod ka na

Marupok ako
Kapag nakikiusap ka nang kumain dahil gutom ka na
Kapag napapangiti ka kahit sobrang pagod ka na
Kapag natutulog ka na sa balikat ko

Marupok ako
Madaling masaktan
Ay kabisado mo na kung anu-ano ang mga babasag at dudurog sa akin

Pero marupok ka rin
Madali kang nahulog
Pinagpalit mo ang mga hinuhulma nating bukas
Sa isang simpleng pambibilog

Binasag mo na
Sinipa-sipa mo pa yung bubog

Ang tibay ng mukha mo.

Unspoken (Truth) PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon