Pang-apat (Sapat 2.0)

3.7K 36 0
                                    


hindi pa ba sapat yung ako lang
yung wala ng pagpipilian
yung ako lang ang iyong pagsissigawan
pagsisigawan na ako ang iyong mahal.

mahal, sa relasyon natin ako lang ata ang may alam
na may relasyon pa lang pinapangarap ko lang
kasi ako lang pala yung may nararamdaman
ako lang pala ay nahihibang.

nahihibang na akala ko ayos tayo
pero meron nga bang tayo
kasi ang sabi mo
ang meron lang ay kayo

kayo oo kayo at kahit kailan ay walang magiging tayo
kasi ang sabi mo magising na ako sa totoo
totoong imposibleng maging tayo.

akala ko kasi iba ka sa kanila
iba ka sa mga paasa
iba ka sa aking mga nakilala
pero hindi naman pala

ano yung mababangong bulaklak
mga bulaklak na naging bulak
nawalan ng bango para bang ako
ang lapit ko na kasing sumuko

ano yung mga tsokolate
na kasing tapis ng iyong mga sinasabi
mga salita na sa akin ay nagpabighani
na ngayon ay nagpaparanas ng sakit at hapdi.

ano yung mga panahon na magkasama tayo
yung mga panahon na bigla na lang nagbago
yung mga panahon na akala ko ayos tayo
pero ang nasa isip mo pala ay ibang tao.

siya diba
siya yung pinili mo sa aming dalawa
kasi siya ang mahal mo diba
at ako kaibigan lang pala

Unspoken (Truth) PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon