Pangpito (Unang Araw ng ika-apat na Buwan)

2.6K 20 1
                                    

April 1
Unang araw ng ikaapat na buwan
Sabi mo, meron tayong mahalagang pag-uusapan
Kaya agad-agad nakipagkita ako sa'yo sa paborito nating tagpuan
Nasa kaliwa kita at yung maraming kaba ko nasa may bandang kanan

Bumili ako ng paborito nating pagkain
Hindi ko agad kinain yung balat ng manok baka kasi gusto mo pa ring kunin
Pero itinabi mo lang lahat ng binili ko tapos nagsimula ka nang umamin
Ang nalasahan ko na lang bigla ay yung mapait na dulo natin

Sabi mo magbabago na lahat simula sa araw na iyon

"Huwag na tayong maglokohan"

Naaalala ko pa rin yung tunog mo hanggang ngayon

At madalas akong magkamali
At tanggap ko nang nagkamali rin ako sa iyo
Pero hindi ko pala dapat hinintay na sabihin mong,
"Happy April Fools Day"

Gusto ko nang patawarin ang sarili ko.

Unspoken (Truth) PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon