Diyan sa mundo mo
Na wala akong kasing sama
Binubuo ng mga bangin ng kasinungalingan
At mga ilog ng masama mong paniniwalaAko ang ahas na tumukso kay Eba
Ang pasimuno ng kasalanan
Bunga ng puno ng iyong bulok na imahinasyon
At panghuhusga mo na walang pakundanganPero mahal kita
At kahit gaano man kasama ang tingin mo sa akin
Mahal na mahal kitaAt kahit iwaksi mo ako kung paano mong iwinawaksi si Satanas
Pasensya na, pero ganoon kita iibigin
Iibigin kita hanggang wakasDahil sa mundo ko
Wala kang kasing samaPero kaya kitang patawarin.
BINABASA MO ANG
Unspoken (Truth) Poetry
Teen FictionSa mga salita'y makikita at madarama ang katotohanan.