Chapter 16
"Why did you do this, dad? Paano kung malaman ni Arwen at ng pamilya niya ang tungkol rito?"
His dad sighed and looked away. "I am not against them or anything. Warrior, marriage can change a man and I think that's the only way for your brother to change. But you know your brother. He will defy me and he really did, right? Hindi siya sumipot sa araw ng kasal niya kay Arwen. Napaisip ako. Killer hates me dahil pinipilit ko siya sa bagay na hindi niya gusto but at the same time, I want to patch up things with him kaya nang ibigay sa akin ni Arwen ang signed marriage contract, nagdalawang-isip na ako. And so I came up with this decision."
Napailing si Warrior. "Well, right now — he's probably thinking on how to kill you. Dad, naiintindihan kita pero masyadong delikado 'tong ginawa mo."
Nagsalubong ang kilay nito. "What did you just say?"
Napakamot si Warrior sa batok. "Uhh— i-i told him about it."
Natampal nito ang mukha. "What the hell! You should have talked to first bago mo siya kinausap!"
"Killer likes Arwen, dad. Napansin mo naman noong bumisita sila dito, diba? In just a few weeks, malaki ang ipinagbago niya at dahil iyon kay Arwen. He even accepted Hailey —"
"Hailey is Killer's daughter. Magaan ang loob niya sa bata. Of course, he'll accept her."
Natigilan si Warrior. May alam ito tungkol sa totoong ina ni Hailey? It wasn't written in Arwen's profile. Sinadya ba iyon ng kanyang dad?
Tumitig ang kanyang dad sa kanya. "Hindi ko basta-basta ipapakasal ang kapatid mo sa kung sinu-sinong babae lang. The same goes for you and Ruin. Of course nagpa-imbestiga ako ng maayos. I like Arwen's family background so wala akong problema sa kanya. As for Hailey, she is still Killer's child and Gen. Adam's grandchild from his eldest daughter so I don't see any problem with that. I can accept her."
Napalunok si Warrior. His dad is really scary and he's proud with Gunner dahil nagawa nitong suwayin ang kanilang ama at nagpakasal sa babaeng mahal nito! Though pinilit nga lang ni Gunner yung babae.
Marahas na bumuntong-hininga si Warrior. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin rito.
"If Killer likes Arwen then that's good. I'll talk to him and give him the marriage contract. Kung sigurado na siya kay Arwen, gusto kong siya mismo ang magparehistro non. Relax, will you? Everything will be alright."
Hindi sumagot si Warrior at pumasok nalang sa loob ng mansion. Damn you, dad.
Kinahapunan, tinungo ni Warrior ang bahay ni Arielle. He needs to keep an eye on her at isa pa, curious siya sa mga pangyayari sa buhay nito sa loob ng limang taong lumipas. He wants to talk to her more.
Naabutan niya si Arielle na kumakain ng cup noodles at nagulat pa ito nang makita siya. Agad na sumama ang timpla ng mukha nito at itinirik ang mga mata. Napangiti si Warrior. She really hates him.
"Hey." Bati niya rito.
Ibinaba nito ang cup noodles at marahas na bumuga ng hangin. "What are you doing here?" Walang ganang tanong nito sa kanya.
Naupo siya sa lumang sofa saka inilapag ang konting groceries na pinamili sa ibabaw ng lamesa. Kumunot ang noo nito nang mapatingin roon.
"I don't need your pity. Alisin mo yan sa ibabaw ng lamesa ko, Warrior."
"You're eating unhealthy foods."
![](https://img.wattpad.com/cover/166186617-288-k480730.jpg)
BINABASA MO ANG
Ainegel Bros. : Killer's Bride
RomanceA fighter pilot and a Commanding Officer. A cold-blooded brute but a very sexually attractive man. No woman couldn't resist Killer Relic Ainegel. Well, that's what everyone thought. But the truth is, he was rejected by the only woman he had ever lo...