Chapter 17
Napatitig si Killer sa likod ng asawa. Pag-alis nina Ysabella at Helium, nagkulong na ito sa kwarto. Kanina pa ito walang imik at mukhang wala sa sarili. Hindi na rin sila natuloy sa pagsashoppping dahil sinabi nitong masama ang pakiramdam. Something is wrong. He can feel it. Arwen is lying to him. But the question is 'why'.
"Arwen, what's wrong? Talk to me. Kanina ka pa tahimik. I'm worried about you, baby." Sinalat niya ang noo nito. Wala naman itong lagnat.
"Sorry. Hayaan mo muna akong matulog. I feel tired, Killer." Mahinang sagot nito.
Killer sighed. "Okay. Maliligo nalang muna lang ako sa pool." Paalam niya rito.
Nang hindi ito sumagot ay umalis nalang siya sa kama at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa pool at naupo roon. Binuksan niya ang cellphone at paulit-ulit na binasa ang mensahe ng kapatid.
Marry her here huh.. I think that's a good idea.
If he'll marry Arwen here, wala na siyang poproblemahin pa pag-uwi nila sa New York. Kailangan nitong pumirma ulit sa marriage contract at kung sakaling magtaka ito kung bakit, gagawa nalang siya ng rason.
Inilapag niya sa pabilog na lamesa ang phone bago nagdive sa pool.
Hindi alam ni Killer kung ilang oras siyang nagtagal roon. Nang makaramdam siya ng pagod ay umahon na siya at naglinis ng katawan bago pumasok sa loob ng bahay.
Tiningnan niya ang oras sa cellphone. Alas singko na ng hapon kaya kailangan na niyang gisingin si Arwen dahil baka sumakit pa ang ulo nito dahil napasobra ito sa tulog.
"Baby?"
Umangat ang kanyang mga kilay nang makitang nakaupo ito sa kama at nanonood ng TV.
"Mabuti naman at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? Feeling better?" He sat at the edge of the bed and he was about to kiss her lips when Arwen distanced herself from him. His forehead creased. What's wrong with her?
"What's wrong?" Kunot-noong tanong niya rito. Masama pa rin ba ang mood niya?
She stared at him with cold eyes. Killer gulped. She really looked angry! Did Ysabella said something to her this afternoon? Darn! He needs to talk to her later! Kailangan niyang malaman kung bakit nagkakaganito si Arwen! This is a one-week vacation. Ayaw niyang sayangin ang bawat oras sa bakasyong 'to! Well, a whole afternoon just got wasted. Fuck!
"Do you like me?" Seryosong tanong nito.
"Of course I like you!" Mabilis na sagot niya. But why the hell is she asking him that?!
"Do you.." She paused and took a deep breath. "Do you love me?"
His body stiffened. Hindi agad makasagot si Killer. He likes her so much pero hindi pa siya sigurado kung mahal na nga niya talaga ito. He still needs time to figure that out.
"You're important to me, Arwen."
Bahagya itong napangiti bago nagbaba ng mukha. Hinawakan niya ang mga kamay nito at pinisil iyon.
"You're acting strange. May problema ba?"
Umiling ito. "Nothing." Inalis nito ang kumot saka tumayo. Nag-inat ito at muli siyang nginitian. "I need to prepare food for dinner. Sa kitchen lang ako." Paalam nito sa kanya.
"Wait!" Mabilis na umalis siya sa kama at pinigil ito. "Let's talk first. Tell me, may sinabi ba si Ysabella sayo kanina?"
"Nothing. May.." She paused and stared at him with cold eyes. "Hindi ba ako dapat malaman?"
BINABASA MO ANG
Ainegel Bros. : Killer's Bride
RomanceA fighter pilot and a Commanding Officer. A cold-blooded brute but a very sexually attractive man. No woman couldn't resist Killer Relic Ainegel. Well, that's what everyone thought. But the truth is, he was rejected by the only woman he had ever lo...