Chapter 1

5 0 0
                                    

Chapter 1

Calvin's POV

Agad akong sumunod kay Sandy at nakita kong patungo sya sa rest room kaya pumunta muna ako sa locker nya para kunin ang extra uniform nya

Pagkuha ko ng uniform nya ay humatak ako ng isang babae at saka sya sinama sa rest room, tinignan ko sya at halatang gulat na gulat sya, tss may gusto rin siguro sakin to

"Nasa loob si Sandy, abot mo to sakanya"sambit ko saka inabot sakanya ang uniform

"S-sige po"nakatulala pa rin sya sa mukha ko saka tumalikod at pumasok sa rest room

Maya-maya lang ay lumabas na yung babae at lumapit sakin

I need to be rude para hindi na sya magkagusto

"O-okay na po"sambit nya nung makalapit sya, mukha syang inosente

"You can go now"sagot ko nang hindi nakatingin sakanya, nakayuko naman syang umalis

Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na agad si Sandy na bagong bago ang uniform, parang walang nangyari kanina ha

"Asan na yung uniform mo?"tanong ko dahil wala syang dala na kahit ano

"Tinapon ko na, sobrang dumi"masungit na sagot nya

"Nagugutom kapa?"tanong ko ngunit umiling lang sya saka dumiretso ng lakad kaya sumunod nalang ako sakanya

Matagal konang kilala si Sandy, una ko syang nakilala sa korea, bata pa lamang kami noon, half korean sya dahil sa mommy nya at ako naman ay half korean dahil sa daddy ko, madali kaming nagkasundo kaya nung pinayagan kaming umuwi sa pilipinas ay sabay kaming nag-aral ng tagalog

Ngunit noon lamang ay pinababalik na kami sa korea ngunit ayaw na nya, hindi nya kasi nagagawa ang gusto nya pag nasa korea sya dahil sa mga magulang nya, dito kasi sa pilipinas lolo nya lang ang nakakasama nya, at lolo nya kasi ang may ari ng school na to

Business partners ang mga magulang nya saka ang daddy ko kaya pumayag na rin sila tita na dito muna magstay si Sandy dahil kasama naman daw ako

Nagstay ako sa condo na binili ni daddy para sa akin at si Sandy naman ay may sarili silang bahay sila na pinagawa noon ng magulang nya

"ya!"sigaw ni Sandy mula sa malayo nasa harap na pala sya ng room"Nandito na si sir!"sigaw nya kaya tumakbo na ako palapit sakanya

Sabay kaming pumasok sa loob at bumati sa teacher namin"Goodmorning po"sambit ko at tumango lang si sir

Umupo na kami sa upuan namin at agad naman nilabas ni Sandy ang libro nya samantalang ako ay nakishare na sakanya"Ya, wala kabang libro?"inis na tanong nya

"Naiwan ko sa locker"bulong ko saka tumawa, umirap lang sya saka nagbasa ulit, pareho kaming nasa top pagdating sa acads pero sa mga sports ay mas magaling si Sandy dahil marami syang kayang sports

Dati ay sabay kaming sumasali sa mga singing contest pero simula nung nawala na si mommy ay tinigil kona ang pagkanta na naintindihan naman ni Sandy

Tinignan ko si Sandy habang sya ay nagbabasa, maraming nagtatanong kung ano raw ba ang relasyon naming dalawa at si Sandy lagi ang sumasagot"We're just friends, why? Do you want him?"yan ang lagi nyang sagot sa mga tao

Minsan ay tinanong ako ng kaibigan ko kung hindi man lang raw ba ako nagkagusto kay Sandy, masyadong perpekto si Sandy pwera sa ugali nya, gusto ko sya pero natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin kung sasabihin ko sakanya ang nararamdaman ko...

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon