Chapter 14

1 0 0
                                    

Sandy's POV

"geunyeoneun geunyeoga wonhaji anhneundago malhaessda!"sigaw ng pamilyar naboses matapos suntukin ang lalaking may hawak sa akin

Translation: she said she don't want!

Tumayo ang lalaki at agad na sumugod kay Kyzen dahilan upang masuntok ito, ilang palitan ng suntok ang kanilang ginawa hanggang sa kwelyuhan ng lalaki si Kyzen

"Sino kaba! Masyado kang pakilamero! Away naming magshota to! Girlfriend ko sya kaya pwede ba"dere-deretsong sambit nung lalaki hindi na ako makasagot dahil sa sobrang pagkabigla ako

Hinawakan naman ni Kyzen ang kamay nya dahilan para mapabitaw sya sa kwelyo nito"Girlfriend mo? Baka girlfriend ko"sagot ni Kyzen saka ako hinawakan sa kamay"James ikaw na ang bahala dito"lingon ni Kyzen kay James saka ako hinatak sa labas

Hinatak nya ako hanggang sa harap ng kotse nya kahit nagpupumiglas na ako"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"sigaw ko muli, umakyat nanaman sakin ang inis ko sakanya!

"Ikaw na nga tong tinulungan, mukhang ikaw pa tong galit"malamig na sambit nya saka binuksan ang pinto ng kotse nya"Sakay"maikling sambit nya ngunit tumalikod lamang ako at astang lalakad na palayo ngunit hinatak nya ako

"Sabi ko sakay"inis na sambit nya ngunit napairap na lamang ako

"Kaya kong magcommute"sambit ko saka tinabig ang kamay nya na nasa braso ko

"Para ano? Mabastos ka ulit? Sumakay kana dito, I'll take you home"sagot nya at halatang napipikon na sya sakin

"Bakit naman ako magpapahatid sa taong niloko ako?"nakangisi kong tanong at napasubunot sya sa buhok nya

"I'll tell you the truth"sambit nya at mukhang nauubos na ang pasensya nya"Sumakay ka na muna"sambit nya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay

Kailangan ko malaman ang totoo

Nang makasakay ako ay sinarado nya ang pinto saka umikot sa kabila upang makasakay na sya sa driver's seat

Tahimik lamang kaming nag bumabyahe at ilang minuto lang ay tinigil nya ang sasakyan sa cafe na pinuntahan namin nung maaga pa

Bumaba sya kaya sumunod ako, pumasok kami sa loob at halos wala nang tao, mga staff nalang siguro, lumapit sya sa counter"First aid kit saka yelo"sambit nya don sa babae sa cashier

Umupo kami sa isa sa mga table at maya-maya lang ay lumapit na sa amin ang babae na may dalang kit saka ice

"Ano gusto mo? Juice or Coffee?"tanong nya sakin ngunit ang mukha nya ay masyadong seryoso

"Juice"maikling sagot ko kaya tinignan nya ang babae

"Dalawang juice"utos nya sa babae kaya umalis na ulit to

"Masyado kang bossy kala mo iyo tong cafe"sabat ko kaya tinignan nya ako

"Akin nga"sambit nya sabay turo don sa pangalan

Ky?

"Ky?"tanong ko ngunit parang nabigla sya saka binalik ang seryosong mukha

"U-uhm..yea Ky for Kyzen"sagot nya saka lumapit sakin hinawakan nya ako sa wrist at tinignan ito, hindi ko alam ngunit masakit, pati na rin ang braso ko

"A-aw"daing ko saka binawi ang kamay ko

"geugeo apeuni?"tanong nya at napalitan ang ekpresyon ng mukha nya

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon