Chapter 9

2 0 0
                                    

Sandy's POV

Ilang linggo na rin kaming hindi nag-uusap ni Von dahil sa babaeng kasama nya lagi

Pero tuwing uwian naman ay nagpapahuli sya ng uwi para makasabay ako ngunit nauuwi lang sa hindi pagpapansinan dahil sakin

Netong nakaraang linggo ay si Kyzen lagi ang kasama ko and guess what, puro walang kwenta sinasabi nya araw-araw and way nya raw yon para mapatawa ako pero imbis na tumawa ako ay naiinis lang ako sakanya

"Hindi kaba maglalunch?"tanong ni Kyzen kaya napatingin ako sa orasan ko, lunch time na pala

Napatingin ako sa upuan nila Von at wala na sila, lumabas na rin siguro sila para maglunch

"Huy? Lunch na tayo?"nakangiting tanong ni Kyzen saka inalok ang kamay nya

Tumayo ako at hindi tinanggap ang kamay nya, naglakad ako palabas at agad naman syang sumunod"Galit ka nanaman sakin? Di pa naman ako nagjojoke e"nakanguso nyang sambit habang sumasabay sa lakad ko

"I'm not mad"tanging sagot ko kaya ngumiti sya

"Tara na, gutom lang yan"sambit nya saka hinatak ang kamay ko

"Ya, I said I'm not mad pero kung gagawin mo to talagang mag-aaway tayo"sambit ko habang hatak-hatak nya ang kamay ko

"Talagang mag-aaway tayo~~nyenyenye, lagi mo naman akong inaaway"bulong nya at saka tumakbo habang hawak pa rin ang kamay ko

Nang makarating na kami ng cafeteria ay dumiretso sya agad sa lamesa na alam nyang lagi akong doon nakapwesto"Ta-da"sambit nya saka ako pinaupo"Anong gusto mo?"tanong nya

"May menu ba sa mukha mo? Dineretso moko dito saka mo tatanong anong gusto ko?"inis na sagot ko pero ngumiti sya

"May nakikita kabang menu sa mukha ko? Baket mukha ba akong masarap para sayo?"tanong nya saka kumindat pa

"Kung ikaw ang menu, mamatay nalang ako sa gutom"sagot ko kaya sumimangot sya

"Apaka pangit ng ugali mo"nakasimangot nyang sagot sakin kaya napangiti ako"Ay waw pagnakasimangot ako ngingiti ka? Aba"dugtong nya pa kaya natawa ako

"Ano bang bago sa menu ngayon?"tanong ko sakanya

"May nakita akong jajangmyeon"sagot nya sakin

"Sige jajangmyeon saka tonkatsu"tanging sagot ko, ngumiti sya kaya naman nagtaka ako

May sakit yata sya sa utak

"Kinilig naman ako, nasa isip ko rin kasi yung tonkatsu, tas sinabi mo hehe"tanging sambit nya saka umalis para umorder

Inikot ko ang paningin ko at nakita sila Von at Olivia na magkatabi na kumakain, tumatawa pa si Olivia mukhang tuwang-tuwa sa tabi ni Von tch

San nya ba kasi nakilala yan?

Bumalik na si Kyzen at tinignan nya kung saan ako nakatingin"Gusto mo sapakin ko si Olivia?"biglang bulong nya kaya tinignan ko sya ng masama

"Maupo kana dyan"tanging sagot ko kaya naupo rin sya tabi ko

"Wag mo sila tignan, tatawa rin ako para mukhang masaya rin ako sayo hehe"bulong nanaman nya kaya napatingin ako sakanya at ang lapit ng mukha nya

Agad syang lumayo at pulang pula agad ang mukha nya"Seriously? Napula na yung mukha mo sa ganon?"tanong ko sakanya kaya hinawakan nya ang magkabila nyang pisngi

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon