Sandy's POV
Ilang minuto lang ay dumating si Von dala ang kotse nya kaya agad akong sumakay"Saan ang punta natin?"tanong nya agad
"Sa store tas tara sa inyo"sambit ko kaya tumango nalang sya at saka pinaandar ang sasakyan
Pagdating namin sa store ay kukuha na sana ako ng beer ngunit pinigilan ako ni Von"Kotong?"akma nya ngunit hindi ko sya pinansin at kinuha pa rin ito ngunit inagaw sakin ni Von at binalik sa ref
"Ano ba?"inis na tanong ko at ngumiti lang sya
"May beer ako sa bahay"nakangiti nyang sambit
"Fine"buntong hininga ko saka kumuha ng pangsnack
"Okay na to sayo?"tanong nya nung nasa cashier na kami, tumango lamang ako at nilabas ang wallet ko ngunit hinawakan nya ako sa kamay"Ako na"sambit nya sabay kindat
"Whatever"bulong ko saka kinuha ang susi ng koste nya at naunang lumabas ng store
Nagmamadali naman syang sumunod dala ang binili namin
"Apaka neto"sambit nya saka pumasok sa may driver seat
Pinaandar nya agad ang sasakyan at tumungo sa bahay nila, tulad ko nasa korea din ang daddy nya kaya sya lang mag-isa sa bahay na ito, pagbaba namin ay sinalubong na kami agad ng mga maid nya
Dumiretso naman ako sa taas kung nasaan ang kwarto ni Von pagbukas ko nito ay nakabukas ang laptop nya at may nakapause na korean drama
Ang hilig nya dyan
"Wait moko ha kunin ko lang yung beer"sambit nya sa may pinto kaya tumango nalang ako
Ilang minuto ay pumasok na sya dala ang dalawang bote ng"Wine? Kala ko ba beer?"tanong ko ngunit tumawa nalang sya
"Baby kapa bawal ka pa don"natatawang sagot nya
"Sabi na e kaya duda ako sayong meron ka talaga"sagot ko saka naupo sa kama
Nagsimula na kaming kumain ng mga binili namin at saka uminom ng wine na dapat ay beer tch
Makalipas ang dalawang oras ay naubos namin ang dalawang bote ng wine na dala nya kanina"Hoy anong oras na, tara na hahatid na kita"sambit nya sakin ngunit hindi ako tumayo, medyo nahilo ako, nalimutan ko mahina nga pala ako sa mga ganito
Calvin's POV
"Yah baka nag-aalala na si lolo mo"kalabit ko sakanya kaya tumayo sya ngunit lumapit sya sa closet ko, kumuha sya ng isa sa damit ko saka pumasok sa banyo
Ilang minuto lang ay lumabas sya suot suot ang damit ko saka bumalik sa higaan"Dito ako matutulog, don ka sa sofa"sambit nya saka pumikit
"Lagot ka nanaman tamo"sambit ko saknaya ngunit nag-okay sign lang sya
Kahit kailan ka talaga Sandy
Napahilamos nalang ako at saka lumapit sa closet at kinuha ang uniform namin para bukas, may sarili na syang uniform dito tch
Bumababa ako upang ibigay sa katulong namin"Manang ito na po yung uniform namin"abot ko kaya tumango nalang sya
Pumunta ako sa kusina saka kumuha ng gatas at bumalik sa taas"Ya, tumayo ka dyan inumin mo muna to"sambit ko kay Sandy, tumayo naman sya ngunit nakapikit pa rin saka kinuha yung baso at mabilis na inubos yon saka nahiga muli
Nilagay ko nalang sa side table yung baso saka kumuha ng kumot sa isang cabinet at nilagay sa sofa
Sasakit nanaman likod ko neto
BINABASA MO ANG
CHASING THE PAST (Ongoing)
RomanceLahat para sakanya ay laro lamang, lahat ng tao ay ginagalang sya dahil sa estado ng kanyang pamilya, kilala sya bilang TroubleMaker sa kanilang paaralan dahil hindi matatapos ang isang araw na walang gulo na nagaganap na dahil sakanya, kilala rin s...