Chapter 11

2 0 0
                                    

Kyzen's POV

Umuwi ako sa condo na binili ko nung last year, dito ko dinadala ang mga naging babae ko, kahit ang sarili kong ama ay hindi alam na may sarili na akong condo

Napaupo nalang ako sa sofa, isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang tumunog ang phone ko

Si Von

"Wae?"tanging sambit ko

[Nasan ka?]tanong nya kaya napaupo ako

"Bahay"maikling sagot ko

[Wala ka sa bahay nyo]sambit nya, tumayo ako upang kumuha ng beer

"Wala nga"matamlay na sagot ko

[Nasan ka nga?]tanong nya muli

"I'll text you my address"tanging sagot ko saka pinatay ang phone

Kinuha ko ang beer sa ref saka bumalik sa sofa, tinext ko na rin kay Von ang address ko

Nakakailang beer na ako nang biglang tumunog ang door bell"Bukas yan!"sigaw ko kaya agad kong narinig ang pagbukas ng pinto"Wae?"tanong ko nang makalapit sakin si Von

"Bakit mo sinabi kay Sandy na nagcheat ka? Niloko mo ba talaga sya non?"tanong nya agad kaya natawa nalang ako, dala rin siguro ng epekto ng alak

"Ako? Nagloko? Kanino? Kay Sandy?"tanong muli saka natawa

"Hindi naman imposibleng gawin mo sakanya yon"matapang na sagot nya

"Hindi imposible pero hindi ko kaya"sagot ko saka napangisi"Maaring ibato mo sakin ang katagang babaero na ako ngayon pero ginawa ko yon para kalimutan sya"dugtong ko saka ininom ang natitirang beer sa bote ko

"Then bakit mo sinabi sakanya yon?"tanong nanaman nya

Tumawa ako ng sarkastiko"Sa tingin mo kung nalaman nya ang totoong dahilan? Hindi sya masasaktan? Lalo na't sobrang lapit nya sayo"sagot ko ngunit mukhang hindi sya naniniwala

"Ayon ba talaga ang dahilan? O baka dahil ayaw mo lang malaman nya na ikakasal dapat kami"nakangisi nyang sagot

"Baka nga, diba dahil don kaya sya na aksidente? Kasi ayaw nyang magpakasal sayo?"sarkastikong sagot ko at nakita ko naman sakanya ang nainis sya

"Iba na ang sitwasyon ngayon Kyzen, ako na ang gusto nya"nakangisi nyang sagot na tila ba'y nanalo na sya

"Iba na nga ang sitwasyon ngayon Calvin, sa iba kana ikakasal"nakangisi ko ring sagot kaya astang susugod sya"Nasa bahay kita, sa tingin mo hindi kita papatulan? Hanggang sa magkapatayan tayo dito ay walang aawat satin"dugtong ko kaya napaatras sya

"Kaya ko na ngayon magpakasal kay Sandy"nagmamagaling nyang sagot

"Pero hindi na nila sayo papakasal si Sandy"natatawang sagot ko

"Hindi mo masasabi yan Kyzen"nakangisi nyang sambit

"Natatakot na silang makasal sayo si Sandy dahil sa nangyari noon, ayaw na nilang maulit yon, kaya sakin nalang nila papakasal si Sandy"nakangisi kong sagot

"Ayaw nilang mangyari ang nangyari noon? Hindi nila dapat ipakasal sayo si Sandy, naaksidente lamang si Sandy noon dahil ayaw nyang magpakasal sakin, bakit tingin mo ngayon? Gusto nyang magpakasal sayo?"nakangisi syang tumalikod at dumiretso palabas

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon