Chapter 15

2 0 0
                                    

Kyzen's POV

Nang makalabas kami ni Sandy ay agad syang sumakay sa kotse ko, wala na akong nagawang iba kundi ang sumunod nalang rin sakanya, binuksan ko ang makina at nagsimula nang tahakin ang daan

Apaka tahimik nya, nakatingin lamang sya sa bintana, hindi dapat sya umuwi ng ganito, sasarilihin nanaman nya ang problema nya

Niliko ko ang kotse ko at tinahak ang lugar kung saan ako madalas na pumupunta pag ako ay may problema

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang camping site na palagi kong pinupuntahan"Anong ginagawa natin dito?"tanong nya nang patayin kona ang makina ng sasakyan

"Magpahangin muna tayo dito sandali, mukhang marami kang iniisip"sagot ko saka bumaba ng sasakyan, sumunod naman sya at nakatingin lang sakin"Labas mo yan, ikaw lang din ang mahihirapan dyan"sambit ko sakanya, nakita ko naman agad ang sunod-sunod na bagsak ng luha nya

Masakit para sakin na nakikita kang nasasaktan dahil sakanya

Yumuko sya"Wala na akong maintindihan, hindi ko na alam kung tama pa ba lahat"sambit nya habang patuloy pa rin sa pag-iyak, lumapit ako sakanya ngunit nabigla ako nang yakapin nya ako"Masyado ko ata syang nasaktan.."sambit nya habang nakayakap pa rin sakin

"Paano ang gagawin ko Kyzen? Paano kung sa lahat ng ginawa ko ay tuluyan na syang mawala sakin?"tanong nya at saka humagulgol, napakagat na lamang ako sa aking labi upang pigilan ang aking luha na nagbabadyang bumagsak

"Hindi mo dapat sinabi sakanya ang mga salitang alam mong masasaktan mo sya"sagot ko sakanya kaya tinignan nya ako

"Ano dapat kong gawin?"tanong nya habang mugto ang mga mata

"Subukan mo syang kausapin bukas, paliwanag mo ang lahat, na hindi mo talaga gustong sabihin sakanya yon at nadala ka lamang ng nararamdaman mo"sagot ko sakanya saka sya binigyan ng penge ngiti

You really like him..

Sandy's POV

Araw ng lunes ngayon, nung nakaraan ay hinatid ako ni Kyzen sa bahay matapos naming mag-usap, naging tahimik lang sya sa buong byahe pauwi hindi ko alam kung bakit, hindi ko pa sya muli nakakausap dahil sinusubukan kong kausapin si Calvin, ngunit hindi nya man lang sinasagot ang tawag ko

Nag-aayos na ako ngayon para pumasok sa school, baka sa school ay makausap kona si Calvin

Bumaba na ako upang magpahatid kay manong, tahimik sa buong bahay siguro ay pinakikiramdaman nila ako..

Nang makarating kami sa school ay agad akong bumaba para tignan kung nandoon na si Calvin, agad kong syang nakita at mukhang may inaantay sya

Inaantay nya ba ako?

Lumapit ako sakanya at mukhang nagulat naman sya"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?"tanong ko sakanya, binigyan nya naman ako ng malamig na tingin

"I'm busy"tanging sagot nya, hinawakan ko sya sa braso nya

"We need to talk"sambit ko ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nya

"Inaantay ko sa Olivia"sagot nya na nakapag pabagsak ng balikat ko

Si Olivia? Hindi ako?

"geunyeoga naboda deo jung-yohabnikka?"tanong ko habang pinipigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak

Translation: Is she more important than me?

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon