Chapter 17

2 0 0
                                    

Kyzen's POV

Nakayakap si Sandy sakin nang mahagip ng aking mga mata si Von na nakatayo sa hindi kalayuan kung kaya't mas niyakap ko pa ng mahigpit si Sandy upang hindi nya makita si Von

Ayaw na nyang magmukhang mahina kahit kanino, kahit sakin

Ilang minuto lamang ang lumipas ay dahan-dahan nya akong tinulak upang magkahiwalay kami"Could you take me home?"tanong nya at tumango lang ako at inalalayan sya palabas

Nang makarating na kami sa parking lot ay agad kong binuksan ang kotse upang makasakay na sya, dere-deretso naman sya kaya binilisan ko na rin ang lakad

Binuksan ko na ang makina ng aking sasakyan at tinahak na ang daan patungo sa bahay nila, ilang minuto lamang ay nandoon na kami agad kaya nang maiparada ko ay bumaba ako upang kunin ang dala nyang gamit

Binigay naman nya ang gamit nya sakin at saka bumaba ng sasakyan, papasok na sana kami sa gate ngunit humarap sya sakin"Thank you for today, pasensya kana kung naabala kita ng sobra"nakangiti nyang sambit ngunit kitang kita sa mata nya ang pamamaga nito dahil sa pag-iyak

"Hindi mo naman ako naabala, gusto lahat ng ginagawa ko para sayo"sagot ko sakanya

"I need some alone time muna, saka ikaw kailangan mo rin magpahinga"sambit nya at astang tatalikod na

"Sandy.."tawag ko sakanya kaya lumingon sya muli at binigyan ako ng nagtatanong na tingin

"Don't worry, I won't kill myself"natatawa nyang sambit kaya ngumiti na lamang ako ng alanganin sakanya, kumaway sya kaya ngumiti ako at kumaway pabalik"Take care of yourself!"sigaw nya ngunit iba ang naramdaman ko kaya agad akong lumapit sakanya at niyakap sya

"Wag kang gagawa ng kahit anong makakasama sayo please..I can't lose you again"bulong ko sakanya ngunit mahina syang tumawa

"Yes I won't saka like what you said he doesn't deserve me, so I won't waste my life for him"sagot nya saka humiwalay sakin"Take care of yourself lalo na kapag nagdadrive ka, sige ka baka magaya ka sakin makalimutan mo rin ako"biro nya pa kaya ngumiti nalang ako"Drive safely"sambit nya pa saka tuluyan nang pumasok sa loob nila

Hindi ko sya pwedeng pilitin na hayaan akong sumama sakanya buong araw..

***

Umaga na, simula nang makauwi ako kahapon ay wala pa rin akong natatanggap na kahit anong tawag o text mula sakanya

Pumunta muna ako ng cr para maligo, pupuntahan ko na lamang sya baka tulog pa rin yon, ayos yon sabay kaming papasok

Nang nakapag-ayos na ako ay agad akong bumaba at sakto wala na si dad, pagsasabihan nanaman ako ng kung ano-ano non tch

Ilang minuto lang ang naging byahe ko at nakarating na ako sa bahay nila Sandy, agad akong bumaba at pumasok sa loob

Ang kapal ng mukha ko wala nang katok-katok hahaha

"Oh hijo anong ginagawa mo dito?"tanong ni manang nang makapasok na ako, medyo maga ang mga mata ni manang

May problema ba??

"Si Sandy ho?"tanong ko sakanya

"Nako hijo wala na si Sandy dito"sagot nya sakin gamit ang malungkot na tono

Bakit naman ganto ang aura ni manang nakakahawa ng lungkot

"Ahh..nasa school na po ba sya? Sayang hindi ko pa po naabutan, apaka-aga naman po nyang umalis"natatawang sagot ko ngunit tinignan nya ako na parang naawa sakin

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon