Chapter 6

4 0 0
                                    

Calvin's POV

Hindi ko alam kung saan na ako inabot ng pagdadrive ko ngunit hininto ko na lamang ang sasakyan ko

Naiinis ako, pakiramdam ko niloko ako nila

KInuha ko ang phone ko saka tinawagan si dad[Son? Good job sabi ng kadate mo kahapon ay naging maayos raw ang pag-uusap nyo]salubong agad ni dad sa linya

"Dad, sabi nyo sakin kung sino man ang nakafix marriage saming dalawa ni Sandy, hindi na pakikialamanan ang isa, sinunod ko naman kayo ah, bakit nagblind date pa rin kahapon si Sandy?"reklamo ko, hindi ito tama ginagamit nila kami ni Sandy

[Son, nasa pamilya pa rin ni Sandy ang desisyon non hindi ako pwedeng mangealam sa kanila]sagot ni dad

"Then do something para matigil ang pag-aayos nila sa blind date ni Sandy or else titigil ko ang pakikipagkita don sa babae pinadate nyo sakin"pananakot ko saka pinatay

Pumasok nanaman sa isip ko ang mukha nung lalaking yon, kilala ko sya, wala syang madudulot na maganda kay Sandy, isa pa babaero yung lalaking yon

Ilang oras ang lumipas at bumalik na ako sa school

Siguradong nag-aalala na si Sandy..

Pagpasok ko sa classroom ay nandoon si Sandy sa upuan nya at nakayuko lamang, nakita yung mokong na lalaking nakadate ni Sandy ay nasa likuran nya

Tss

Lumapit ako kay Sandy sakto naman na tumingala sya at nakita nya ako"Von!"sambit nya saka ako niyakap"I'm sorry, please don't be mad at me"bulong nya pa kaya naman natawa ako

Hindi naman ako nagalit sakanya, nagalit ako kaila dad dahil pinangako nila sakin kasama ang parents ni Sandy na hindi nila papafix marriage si Sandy

Humiwalay ako sa yakap saka tinignan sya, umiiyak sya"Kumain kana?"tanong ko ngunit umiling sya"Lets go"sambit ko saka hinawakan ang kamay nya

Dumiretso kami sa Cafeteria ,maraming tao ang nakatingin samin, inakbayan ko sya kaya naman tinignan nya ako

"Okay na tayo?"tanong kaya naman tumango ako, napangiti naman sya kaya lalong natuwa ang puso ko

Hindi ko alam pero lahat ay handa kong gawin para sa babaeng to

Nang makarating kami sa cafeteria ay umorder sya agad at tumabi sakin"Actually..nakita kita sa mall kahapon"sambit nya kaya naman kinabahan ako

Nakita nya ako? Nakita nya din ba yung kasama kong babae?

"Ikaw lang mag-isa, saan ka galing?"tanong nya

"Nakita mo pala ako bakit hindi mo ako tinawag?"tanong ko rin sakanya kaya napayuko sya"Alam mo wag na nating pag-usapan yan, ayan na yung order mo oh"turo ko kaya naman binaba na nung waiter

Nagsimula na kaming kumain at sakto naman nung natapos kami ay 5 minutes nalang ay simula na ng klase namin, paglabas namin ng cafeteria ay nagpaalam ako kay Sandy na mauna na sya at pupunta lang ako ng cr

Pagdating ko sa cr ay nakita ko si Kyzen, naghuhugas ng kamay nya kaya tumabi ako sakanya at naghugas din"Bilis naman magbago ng isip mo, ayos kana agad"nakangisi nyang sambit

"Sayang ba yung chance?"sarkastikong tanong ko sakanya kaya naman lalo syang napangisi

"Oo e, hindi ko pa nga nasasabi sakanya na may kadate ka rin kahapon"sagot nya sakin na nakapagpainis sakin"Sakto nga kahapon, kung saan kami kumain ay don rin kayo kumain"dugtong nya saka ako nilagpasan

CHASING THE PAST (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon