DASHA's POV
Pagpasok ko sa classroom ay umupo ako kaagad sa tabi nila Azriel, "Bruha, salamat sa paghatid sa akin kagabi," saad ko habang hinihilot ko nang bahagya ang aking sintido.
"Gaga, hindi ako ang naghatid sa inyo kagabi" tugon ni Azriel.
Nilingon ko si Margeaux, "Ikaw ba ang naghatid sa akin kagabi?"
Umiling naman siya, "Nagtaka nga rin ako kung paano ako nakauwi sa bahay. Ang pagkakaalam ko ay lasing na lasing tayo pero nasa bar pa tayo" tugon niya.
Kumunot ang aking noo, "Luh? Sino ang naghatid sa atin?" nagtatakang tanong ko.
Nagkibit balikat lang sila... Umupo ako ng maayos at pilit na inaalala ang nangyari kagabi, "Hayst! Hindi ko talaga maalala" sambit ko sa aking sarili nang biglang may naglagay ng cup of coffee sa table ko. Dahan-dahan akong tumingala at nagtama ang paningin namin, "K-Kynzlee"
"Drink it while it's still hot"
Tumingin ako sa kape na inilagay niya at muling tumingin sa kaniya, "Ha? Para saan 'to?" nagtatakang tanong ko.
"Pantanggal hang over," tugon niya na nakapamulsa ang dalawang kamay.
Nanlaki naman ang aking mata, Luh?! Sila ba ang naghatid sa amin kagabi?
"K-Kayo ang naghatid sa amin p-pauwi?" utal kong tanong.
Ngumiti lang naman siya, "May utang ka sa akin at kailangan mo 'yon bayaran"
"Ha? Utang? Hoy! Wala akong utang sa 'yo," depensa ko.
"You don't remember?" natatawang tanong niya.
"Hindi talaga dahil wala naman talaga akong utang sa 'yo" inis kong saad.
"Kapag naalala mo na ay sabihan mo lang ako para masingil kita," wika niya at naglakad palabas ng classroom.
Lumapit naman kaagad sa akin ang dalawang bruha, "Hoy! Anong eksena 'yon?" Margeaux asked.
"Mayroon ba kaming dapat malaman?" Azriel asked.
Kunot noo akong lumingon sa kanila, "Wala"
"Deny pa, Dasha" Azriel said.
"Hindi mag-e-effort na pumunta si Kynzlee dito kung hindi totoo ang sinasabi niya!" Margeaux said.
Bumuntong hininga naman ako, "Hindi ko talaga maalala na may utang ako sa kaniya"
"Alalahanin mo" wika ni Margeaux.
Mayamaya lang ay narito na ang prof. namin kaya umupo na kami ng maayos. Patuloy lang sa pagtuturo si Prof. pero walang pumapasok sa isip ko. Hayst! Magkano ba kasi ang utang ko sa kaniya?
Nang matapos ang klase ay kaagad kaming tumungo sa cafeteria. Habang kumakain kami ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi, "Shete!" Sambit ko sa aking sarili na nanlalaki ang mga mata.
Napatingin sa akin ang dalawa, "Anong nangyari sa 'yo?" Nagtatakang tanong ni Margeaux.
"Alam ko na ang utang na sinasabi ni Kynzlee," tugon ko kasabay sa pagkagat nang aking ibabang labi.
"Magkano ba ang utang mo? Ang dami mong pera pero utang ka pa ng utang" maarteng saad ni Azriel.
Napalunok ako at muling nagsalita, "Hindi p-pera ang utang ko sa kaniya"
"Ano?" sabay nilang tanong.
"I k-kissed her"
Nanlaki naman ang mga mata nila, "WHAT?" gulat na tanong nilang dalawa. Tumango naman ako bilang sang-ayon at muling kinagat ang aking ibabang labi kasabay nang aking pagyuko.
BINABASA MO ANG
Kiss the Girl [COMPLETED]
Romantik"Only love and dead change all things." Happiness and love are the only things Dasha feels every time she is with her girlfriend. Dasha Grande is a student at El Trinidad University, she is a quiet and contented woman so she caught the tickle of her...