KYNZLEE's POV
Nakaupo ako dito sa sofa, nakatulala at iniisip kung ano ang dapat gawin ngunit napasabunot na lang ako sa aking buhok, "Hayst!" inis kong sambit sa aking sarili. Kinuha ko ang aking cellphone na nakalagay sa table at idinial ko ang number ni Skye...
"[Tol, bakit? Napatawag ka?]" tanong niya sa kabilang linya.
"Naalala na ni Dasha"
"[W-What?]" nauutal niyang tanong, "[Kailan pa?]" dugtong niya.
"I don't know! Gusto niyang sumuko ako sa police"
"[Hey! Wait--- where are you?]"
"Condo"
"[Hintayin mo ako diyan!]" saad niya at pinatay ang tawag.
Habang hinihintay ang kaibigan ko ay sumandal ako sa headboard ng upuan at ipinikit ang mga mata upang makapag-isip. Ngunit nagising na lang ako dahil sa taong tinatapik ang aking balikat, "Kynzlee" mahinang sambit niya.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin si Reese at Skye na nakatayo sa aking harapan kaya umupo ako ng maayos, "Kanina pa ba kayo?" tanong ko habang nakayuko.
Napansin kong umupo sila sa katapat kong upuan, "Yeah! Hindi ka namin ginising kaagad dahil masarap ang tulog mo" wika ni Reese.
Tumingin naman ako sa kanila, "Ano'ng balita---" hindi ko naituloy ang aking sinasabi dahil nakita kong hawak ni Skye ang aking maleta, "Bakit hawak mo ang maleta ko?" nagtatakang tanong ko.
Tumingin si Skye sa hawak niya at muling lumingon sa akin, "Dahil tatakas tayo?" patanong niyang tugon.
"WHAT?" gulat kong tanong, "No! Walang tatakas" dugtong ko.
"Kailangan ka namin itakas" wika ni Reese.
"Why?" nagtatakang tanong ko.
"Ano'ng why?" tanong ni Skye na bakas sa tono ng boses ang pagtataka, "Makukulong ka, Kynzlee" dugtong niya.
"So?"
"Are you crazy?" singhal ni Reese, "Hahayaan mong ipakulong ka ni Dasha?" inis niyang tanong.
"Kung 'yon ang kailangan ay gagawin ko"
"Bullshit" inis na sambit nilang dalawa.
Ngunit nakatitig lang ako sa kanilang dalawa kaya napasabunot naman sa kaniyang buhok si Skye at napayuko si Reese. Hindi ako nagsalita, nanatili akong nakatitig sa kanila hanggang muli silang tumingin sa akin, "Tol, hindi ka pwedeng makulong," wika ni Reese na pilit pinapakalma ang kaniyang sarili.
"Hindi niyo naman siguro ako pababayaan kapag nakulong ako, right?" tanong ko na pilit silang kinukumbinsi.
"Tol," sambit ni Skye kasabay na tumayo siya para lumapit sa akin at niyakap ako, "I'm sorry!" saad niya ngunit naramdaman ko na lang na mayroong pumukpok sa aking batok hanggang sa mawalan ako ng malay.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata ngunit ramdam ko pa din ang sakit ng aking batok, nang naimulat ko na ang aking mata ay inaaninag ko ang paligid. Teka--- Nasaan ako? Akmang tatayo na ako ngunit naramdaman kong nakagapos ang aking mga kamay at paa hanggang sa nakita kong nakaupo ako sa isang upuan, "Fuck" inis kong sambit sa aking sarili. Sumandal ako sa aking kinauupuan kasabay na bumuntong hininga at iginala ko ang aking paningin sa paligid nitong kwarto. Kulay asul ang pintura, may mga libro, computer, stuff toys--- nakita ko naman ang isang familiar na stuff toys kaya umunot ang aking noo, Paano napunta 'yan dito?
Muli kong iginala ang aking paningin hanggang sa napansin ko ang isang picture frame, dalawang batang babae ang nasa litrato, "B-Bunso," nauutal kong usal sa aking sarili nang biglang bumukas ang pinto kaya kaagad akong tumingin doon at iniluwal nito sila Reese at Skye.
BINABASA MO ANG
Kiss the Girl [COMPLETED]
Romance"Only love and dead change all things." Happiness and love are the only things Dasha feels every time she is with her girlfriend. Dasha Grande is a student at El Trinidad University, she is a quiet and contented woman so she caught the tickle of her...