𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 6

78 21 0
                                    

DASHA' s POV

It's Sunday! Narito kami ni Mommy sa simabahan, hindi nakasama si ate dahil may project silang gagawin ng mga classmates niya. Habang nagmi-misa ay palingon-lingon ako... Baka narito din si Kynzlee!

Lingon sa kanan!

Lingon sa kaliwa!

Lingon sa likod!

Napayuko ako nang hindi ko siya nakita, mamaya pa siguro magsisimba 'yon! I pouted, I raised my head and looked to the right in front of us and--- Si Kynzlee ba 'yon? Oras na para sa ama namin, hinawakan ng katabi ko ang aking kamay at ganoon rin kay Mommy, kumakanta ako ng mahina pero nakatingin sa babaeng kanina ko pa kinikilala.

Lumingon ka!

Lumingon ka!

Lumingon ka!

Nang natapos ang kanta ay napayuko ako...  Ano ba Dasha? Magfocus ka nga sa misa, nagkakasala ka sa ginagawa mo!

Nang banggitin ni Father ang salitang 'Peace be with you' ay awtomatikong napatingin ako kay Mommy. Ngumiti ako ng malapad kasabay nang paghalik sa pisngi niya, "Peace be with you!" saad ko at hinalikan niya naman ako sa aking noo.

Nagbigay galang rin ako sa mga nakapaligid sa amin at bigla akong napatingin sa babaeng tinitingnan ko kanina, lumingon siya sa kaniyang likod at nagbigay galang kasabay sa pagbuka nang kaniyang bibig, "Peace be with you!"

She looked at me then she smiled and nodded. Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan at uminit ang aking pisngi dahil sa kaniya. Si Kynzlee nga! Nang tumingin siya sa harapan nila ay sinukbit ng babae ang kaniyang kamay sa braso ni Kynzlee. Kumunot naman ang aking noo. Who is that woman? Hanggang sa natapos ang misa at nasa labas na kami ng simbahan ay nakakunot ang aking noo at tulala habang nakayakap sa braso ni Mommy.

Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Mommy, "Anak, are you okay?"

Tumingin naman ako sa kaniya, "Y-Yes Mom"

"Are you sure?"

Ngumiti ako ng pilit, "Of course po! Kain na po tayo, gutom na ako!" wika ko with puppy eyes.

Natawa si Mommy at tinapik ang aking kamay na nakasukbit sa kaniyang braso, "Let's go, sweety!"

Nang makarating kami sa resto ay umorder kami kaagad ng pagkain dahil gutom na talaga ako, while eating I felt someone was looking at me so I turned around but I saw nothing. Muli akong sumubo ng pagkain, guni-guni ko lang siguro 'yon!

"Paborito mo talaga ang tofu"

Napatingin naman ako sa kaniya, "Masarap po kasi" nakangiting saad ko.

Ngumiti naman siya ng malapad, "Pwede mo ba isama si daughter-in-law next sunday?"

"Mommy naman eh? Stop calling her daughter-in-law!" reklamo ko.

Natawa naman siya, "Why? Magiging daughter-in-law ko naman siya eh?!"

"Mom"

"What?" natatawang tanong niya.

"She's not my girlfriend"

"Doon na din patungo 'yon!" wika niya at muling sumubo ng pagkain.

I just ignored her because I continued what I was eating and when we were done we decided to go home. When I got home I thought of making cookies. Inilagay ko na sa oven ang ginawa ko, umupo muna ako sa upuan na nasa tabi ng table nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe...

Kiss the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon