KYNZLEE's POV
It's Saturday! No school so I lay here on the couch while watching a movie. Nasa kalagitnaan ako ng aking panonood nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at kaagad na sinagot ang tawag.
"Hello"
"[Kynzlee]" wika sa kabilang linya na mayroong bahid ng kasiyahan.
"What?" bored kong tanong.
"[Where are you?]"
"Condo"
"[Hintayin mo kami diyan]"
"Ano'ng gagawin niyo dito?" kunot noong tanong ko.
"[May ibabalita kami sa 'yo]"
"Ano? Sabihin mo na"
"Later na, bye!" saad niya.
I was about to speak but she immediately turned off the call. I just put my cellphone back on the table and continued watching, I opened the chips and started eating that. Lumipas ang minuto, natapos ko na panoorin ang aking pinapanood nang biglang mayroong kumatok sa pinto, nilingon ko iyon at tumayo upang buksan. Bumungad sa akin ang pagmumukha ng dalawang kaibigan ko, iniangat nila ang mga dala nilang paper bag nang nakangiti ng malapad. Pumasok sila sa loob at dumiretso sa couch upang umupo, umiling na lang ako at isinara ang pinto. Umupo naman ako sa katapat nilang upuan...
Inilabas nila sa paper bag ang mga pagkaing dala nila, "Kain na tayo!" tuwang-tuwa na wika ni Reese.
"What would you say?" I asked.
"Kain muna tayo" wika ni Skye.
"Sabihin niyo na," saad ko na pilit pinapakalma ang aking sarili.
Inilagay ni Reese ang spaghetti sa tapat ko, "Kumain ka ng marami" nakangiting wika niya.
Hinampas ko ang mesa kaya nanlaki ang mga mata nilang tumingin sa akin, "Say it!" maawtoridad kong saad.
Lumunok silang dalawa na animo'y nasindak sa ginawa ko, "Nabalitaan namin na nagsama-sama na naman sila Samante at ang mga tauhan niya" kwento ni Skye.
"At habang nasa byahe kami papunta dito sa condo mo ay nakita namin sila sa park na malapit sa bahay nila Dasha" kwento naman ni Reese.
"WHAT?" gulat kong tanong, "Bakit ngayon niyo lang sinabi?" inis kong tanong.
"Wala naman siguro silang gagawin kay Dasha---" putol na wika ni Reese.
Kaagad akong tumayo at tumungo sa tabi ng telebisyon upang kunin ang susi, "Pupunta tayo kanila, Dasha," saad ko. Kaagad akong lumabas ng condo at ramdam ko naman na sumunod sila sa akin.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Dasha ay iginarahe namin ang kotse namin sa tabi at kaagad akong lumabas ng sasakyan. Tumingin ako sa paligid, lumapit sa akin sila Skye at tinapik ako sa balikat. Hanggang sa natanaw ko ang isang grupo sa may puno na hindi kalayuan dito sa kinatatayuan namin.
"Kanina pa ba sila nariyan?" tanong ko.
Tumingin ang dalawa sa tinitingnan ko, "Oo" tugon ni Skye.
Naglakad ako patungo sa gate at nagdoorbell, segundo lang ang lumipas ay bumukas ang maliit na gate na tanging tao lang ang pwedeng dumaan, bumungad sa amin si Dasha na nakasuot ng sando at short.
Nanlaki ang mata niya nang makita niya kami, "Ano'ng ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong niya. Nakatitig lang ako kay Dasha kasabay nang aking paglunok, Ang s-sexy niya?
"Ahehehehe... Balak ka sana namin yayain manood ng sine, wala kaming ginagawa sa condo namin eh?!" pagdadahilan ni Reese.
"Pasok muna kayo sa loob," alok niya at umatras siya ng bahagya para makapasok kami.
BINABASA MO ANG
Kiss the Girl [COMPLETED]
Romance"Only love and dead change all things." Happiness and love are the only things Dasha feels every time she is with her girlfriend. Dasha Grande is a student at El Trinidad University, she is a quiet and contented woman so she caught the tickle of her...