DASHA's POV
Nang makaupo kami ni Kynzlee dito sa sofa ay kaagad nagsalita si Skye, "Movie marathon tayo, tol" suhestyon niya.
Hindi ko narinig ang sagot ni Kynzlee pero muling nagsalita si Skye ng "Yown!" ay alam kong pumayag siya.
Kinuha ko ang burger sa table at kaagad na kinagatan ito... Nang mailagay ni Skye ang USB sa gilid ng T.V ay pumili siya kaagad ng panonoorin namin, nang makapili na siya ay pinindot niya ang play. Minuto na ang lumipas, dalawang kagat na lang ay mauubos ko na ang burger na hawak ko. Muli akong kumagat sa burger kasabay nang paglingon ko sa t.v upang ipagpatuloy ang aking pinapanood nang biglang narinig ko ang putok ng baril at nakita ko ang isang duguang lalaki na nakahandusay sa kalsada.
Pakiramdam ko ay nanlambot ang aking katawan at ramdam ko ang pangingilid ng aking luha sa mata, habang tulala ako sa screen ng telebisyon ay mayroong pangyayari na biglang nagplay sa aking isipan. A televised scenario suddenly entered my mind, a bloody man and a woman standing opposite the bloody man while holding the knife. I can’t see their faces in my mind but I feel like I know them.
Lilingon na sana ako kay Kynzlee nang maramdaman ko ang kamay niya na biglang tinakpan ang aking mata at niyakap niya ako paharap sa kaniya, nakahinga ako ng maluwag sa ginawa niya kaya hinayaan ko siya dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya. Bakit mayroong scenario na biglang bumalik sa aking isipan? Ano 'yon? Sino sila?
Bumalik ako sa huwisyo nang marinig kong sumigaw si Kynzlee na animo'y nag-aalala, "PATAYIN NIYO ANG T.V"
Wala akong naririnig na ingay sa aking paligid dahil pinatay ang telebisyon, nang tinanggal ni Kynzlee ang kaniyang kamay sa aking mata ay nakita ko siya na nakaluhod sa aking harapan at dahan-dahan akong tumingin sa mga mata niya, "B-Bakit may patayan sa---"
"Kalimutan mo na 'yon!" putol niya sa aking sinasabi.
Nakatitig lang ako sa kaniya na animo'y binabasa ang kaniyang mga titig, tumingin naman siya sa dalawang kaibigan niya pero nanatili siyang nakahawak sa magkabilaan kong balikat, "Sinabi ko na sa inyo na ayaw kong nanonood kayo ng brutal dito sa condo ko" inis niyang wika.
Tumingin ako sa dalawang kaibigan niya at nakita kong napalunok silang dalawa, "Ngayon lang---"
"ALAM NIYONG NANDITO SI DASHA" singhal ni Kynzlee.
Napayuko naman ang dalawa, bumitaw si Kynzlee sa pagkakahawak sa braso ko at bumuntong hininga na pilit pinapakalma ang sarili. Yumuko din ako, natatakot ako kapag may nakikita akong taong duguan, I don't know why! Kinakalikot ko ang aking daliri habang nakayuko, kinikilabutan ako pero hindi ko mawari ang dahilan. Pakiramdam ko ay nasa harapan ko ginawa ang krimen na iyon kaya bigla akong napasigaw.
Natarantang lumapit sa akin si Kynzlee, "Dasha, what happened?" nag-aalalang tanong niya.
Nararamdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha kaya kaagad akong niyakap ni Kynzlee. Hindi ako nagulat sa kaniyang ginawa dahil mas nangingibabaw sa akin ang takot. Niyakap ko naman siya pabalik at tuluyan ng umagos ang aking mga luha.
Hinaplos ni Kynzlee ang aking likod upang patahanin, "Ssshhh! Tahan na," mahinang saad niya at mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang balikat, "Don't worry, I'm here" dugtong niya.
Hindi ko maintindihan, bakit ako nagkakaganito?
Ano ba ang nangyayari sa akin?Nang lumipas ang oras ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, nasilaw ako sa liwanag ng ilaw kaya iniharang ko ang aking kamay sa mata upang matakpan ang liwanag ng ilaw. Nang nasanay na ang aking mata sa liwanag ay inilibot ko ang aking paningin. Teka--- kwarto ko ito ha?! Tumingin ako sa pwesto ng malaking drawer, narito nga ako sa kwarto ko pero paano--- Napatingin naman ako sa gilid ng aking kamay, nakayuko siya sa aking higaan habang hawak ang kaliwang kamay ko at mahimbing na natutulog. Nanlaki ang aking mata na animo'y hindi makapaniwala, A-Anong ginagawa niya rito?
BINABASA MO ANG
Kiss the Girl [COMPLETED]
Romance"Only love and dead change all things." Happiness and love are the only things Dasha feels every time she is with her girlfriend. Dasha Grande is a student at El Trinidad University, she is a quiet and contented woman so she caught the tickle of her...