𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 21

59 14 0
                                    

DASHA's POV

2 weeks na ang lumipas simula noong nagtago si Kynzlee, nagtataka lang ako dahil kung wala siyang kasalanan ay bakit siya nagtatago? Oo, nakita kong hawak niya ang patalim pero gusto ko pa din marinig ang side niya. I really love her, that's why I want to hear her side. I'm sure she's not guilty!

Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita ang Professor namin, "Class, dismiss" iniligpit niya ang kaniyang gamit at lumabas ng silid.

"Dasha, are you okay?" Margeaux asked.

Nilingon ko naman siya, "Ha? Y-Yeah! Of course"

"Na-contact mo na ba si Kynzlee?" Tanong ni Azriel ngunit umiling ako bilang tugon kaya bumuntong hininga naman sila, "Si Mia? Nakausap mo ba ulit?" dugtong niya.

Muli akong umiling, "Simula nang makausap natin siya sa cafeteria 2 weeks ago ay hindi ko na siya nakita"

"Ano kaya ang nangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong ni Margeaux sa kaniyang sarili.

Habang naglalakad kami sa hallway ng campus ay biglang nagsalita si Azriel, "Bruha, ngayon pala ang spelling bee ni Kynzlee"

Napatingin kami sa kaniya, "Oo nga! Hala! Paano na 'yan? Walang representative ang school natin kung hindi siya pupunta" malungkot na wika ni Margeaux.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa nakarating kami ng cafeteria. Tahimik kaming kumakain, walang may balak na magsalita kaya mas pinili ko na lang rin ang manahimik. Paubos na ang aking kinakain nang biglang may nagsalita sa aking gilid, "Where's Kynzlee?"

Nilingon ko siya at nanlaki ang aking mata, "Zakiah?"

She smirked, "Totoo nga ang balita na wala ka ng amnesia" sarkastikong wika niya.

"What are you doing here?" walang gana kong tanong.

"Where's Kynzlee?"

"I don't know," tugon ko at muling itinuon ang atensyon sa pagkain ngunit naramdaman ko na lang nang mayroong humawak sa kwelyo ng aking uniporme at pwersang hinila palapit sa kaniya.

Nang nakatayo na ako ay matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin, "Kinakausap pa kita, Dasha" tiim bagang niyang wika.

Pakiramdam ko ay nanlamig ang aking buong katawan sa ginawa niya lalo na sa mga matatalim niyang titig kaya napalunok ako, "H-Hindi ko talaga alam kung nasaan si K-Kynzlee" saad ko na bakas sa tono ng aking boses ang takot.

"Hoy Zakiah, bitiwan mo si Dasha" inis na wika ni Margeaux.

Nilingon naman siya ng babaeng may hawak sa akin, "Paano kung ayaw ko?" pang-hahamon niya.

Itinaas naman ni Margeaux ang manggas ng kaniyang uniporme na animo'y nanghahamon ng away sa kanto, "Ayaw mo huh?!" at biglang may kamaong dumapo sa mukha ni Zakiah, nabitiwan niya ako at napaupo siya sa lakas ng suntok na natamo niya. Nanlaki ang aking mata na tumingin kay Margeaux ngunit nakipag-apir lang siya kay Azriel at tumingin sila sa akin, "Ayos ba, Dasha?" tuwang tuwa na tanong niya.

"Marunong ka manuntok?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Hindi mo alam? Si Kynzlee ang nagturo sa atin, hindi ba?"

"H-Hindi ko maalala"

"Naku! Tama na ang chikahan mga bruha, umalis na tayo dito" wika naman ni Azriel.

Kaagad kong hinila ang bag ko kasabay nang pagtakbo namin patungo sa pinto pero bago pa kami makalabas ay narinig namin ang galit na sigaw ni Zakiah, "HUMANDA KAYO SA AKIN"

Nang makarating kami sa gymnasium ay umupo kami sa pwesto sa bandang gitna na hinahabol pa ang paghinga, "Grabe! Ang tigas pala ng mukha nang babaeng 'yon? Ang sakit tuloy ng kamay ko" reklamo ni Margeaux.

Kiss the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon