CHAPTER EIGHT [UNEXPECTED VISITOR]

80 9 0
                                    

CASSI’S POV

Thanks God it’s Saturday, ibig sabihin may work ako sa Mcdo at hindi ko na makikita si Sir… Ikaw kaya, ma-kiss mo yung amo mo… Shemay lang diba?! Buti nga si Daphne hindi na ko kinulit about dun sa Family Day Camp, ayy ngayon nga pala yun noh? Buti na lang talaga kasi dagdag ilang pa yun pag sumama ako..Nag-sorry narin pala si Daphne about dun sa kalokohan ginawa nya at pinilit nya pa kong wag umalis, nangako din syang magiging mabait na syang bata. Natawa na lang ako habang sinasabi nya yun kasi daddy daw nya ang nagsabi na maging good girl, kasi daw iiwan ko daw sya, eh sabi nga ni sir ‘we need you’.. eh? I can’t get enough ^///////^

Anyway, nandito ako ngayon sa manager’s office ng  McDo habang nag-aayos ng pera kasi cashier ako… Kasama ko ngayon yung isa kong crewmate na nagbe-break…

“Cassi, nabalitaan mo ba yung pagbisita ng may-ari nitong Mcdo ngayon??” huh?? Ngayon pala ang SOR?? Nga pala, franchise lang itong branch na to, so meaning iba yung may-ari… at never ko pa syang nakikita, busy siguro…

“Hala, edi pressure na naman tayo nito?? SOR ba, o visit lang talaga?” SOR, sa McDo parang binibigyan ng grade yung store kung maayos ba yung service and so ever…

“Ang alam ko visit lang kasi, kaninang umaga tumawag kay Mam Elise.” Sabi nya na tuloy ang paglantak ng Chicken Mcdo, hindi man lang nang-alok ang bruha… -____-

“Ganun? Sana nga… Labas na ko Jeneva ah, tapos na ko mag-ayos ng pera”

“Sige!! Good Luck na lang satin”

Lumabas na ko na office at dumiretso sa Counter… Ang daming crew ngayon, big deal kasi yung visit ng may-ari dahil syempre, sya yung nagpapasweldo samin…

“Hassle tayo Counters!! Be alert!! dito nakakasalalay yung standing ng store natin.” Sabi ni Mam Elise, ang MIC (Manager’s-In-Charge) ngayon…

“Thank you Mam Elise!!!!” sabay sabay namin bigkas…

11 AM na pero wala pa rin yung visitor, kaya eto ako 1 hour na ding kinakabahan, kabang nararamdaman ko lang pag nakikita ko si Sir Yves, ang weird ko… TEKA?? Namamalik-mata ba ko??  Lumalapit na sa harapan ko yung lalaking kanina lang ay iniisip ko….

“psst Cassi, customer nasa harap na ng counter mo..” bulong ni Jeneva na ngayon ko lang din napansin

“Good Morning Sir!! Welcome po sa McDonald’s!!” masigla kong bati… syempre, separate yung personal sa work, customer sya ngayon kaya kelangan nya ng maayos na service..

Walang Forever [ROMANCE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon