CHAPTER FIVE [MOMMY?]

107 9 0
                                    

CASSI'S POV

Tuesday na ngayon at kailangan kong bumalik sa mansyon ng pamilya Thompson… Nung Sunday kasi umuwi muna ko para kumuha ng gamit.. Stay in kasi ako, pero dahil ang haba ng restdays ko, konti lang ang mga dinala ko, isang buwan lang naman eh..

Ives Thompson pala ang pangalan ng amo kong masungit… Actually, hindi sya nagpakilala sakin, nalaman ko lang yun sa mga chismosa nilang katulong.. Napag-alaman ko ring walang nanay si Daphne, kung bakit? Hindi ko na alam, chismosa ka rin?? TSK.

Aalis na nga ko..

*later*

Nasa loob na ko ng teritoryo ng mga Thompson, puro katulong lang at mga men in black ang gumagala sa paligid, wala na ba silang ibang kamag-anak sa bahay na to.. Kawawa naman pala si Daphne… Nasan na kaya yun?

“Good Morning po manang!!” Bati ko kay manang Mildred yung naghatid sakin dito nung Linggo, sya pala yung pansamantalang nag-alaga kay Daphne nung wala pa syang yaya.. Yung last yaya daw kasi biglang umalis ng walang paalam, balita nga ng mga katulong na chismosa, nakipagtanan daw…

“Nako ikaw pala yan, Miss, yung alaga mo, tulog pa… puyat yun dahil nag-malling silang dalawa ni sir kahapon, tas ginabi na ng uwi.” Paliwanag ni manang, infairmess naman sa tatay ng alaga ko, very hands-on pagdating sa anak nya…

“Ganun po ba? Sige po hintayin ko na lang po sya dito..”

“Kung gusto mo puntahan mo na lang sya sa kwarto nya tutal malapit ng mag-alas-diyes may pasok sya ngayon sa summer class nya.”

“Sige po, aakyat na po ako sa kwarto nya… Teka, saan po ba?” Tinuro nya sakin kung saang direksyon yung kwarto.. Grabe kasi sobrang dami..

Nang maituro na sakin yung kwarto, pumasok na agad ako, malamang tulog si Daphne… Ang laki ng kwarto ng batang ito, imagine 5 years old pa lang siya pero kumpleto na lahat ng gamit nya, nagmistulang toy museum sa sobrang daming stuff toys na hello kitty, at nagging dominant na ang kulay na pink... ang cute!!!! *^o^*

Lumakad pa ako palapit sa kama nya, bale yung kama malapit lang sa bintana na may design din Hello Kitty… May  dalawa pang pintuan sa loob ng kwarto pero di ko na pupuntahan dahil baka ma-late na tong makulit kong alaga…

“Sweety… wake up na, it’s already late morning…” sabi ko ng malambing sa kanya na tingin ko ay effective naman… Nagkusot muna sya ng mata, para makita ako ng maigi dahil ang batang ito ay puno ng muta ang mata… pero super cute pa rin nya ^__________^

Walang Forever [ROMANCE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon